Napangisi tuloy ako. "Coming from you ha."
"I learned my lesson, Seren," mahinahon niyang saad. Hindi ko na lang ginatungan pa ang sinabi niya. Nagsimula na lang akong kumain habang siya ay napatayo dahil tinawag siya ng ate niya mula sa labas. Pagkalabas ni Efren ay napasilip ako sa kanila.
Nahinto ako sa pagkain nang makitang akay-akay nila ang isang matandang lalaki. Sigurado akong siya ang papa nila. Dahil unang tingin pa lang ay kitang-kita ko na ang pagkakahawig nilang dalawa ni Efren. Napansin ko rin na nakainom pala ito.
"P-puntahan k-ko s-siya!" sigaw ng papa nila.
"Pa! Hindi! Matulog ka na," pigil na sabi sa kanya ni Ate Eya.
"H-hindi! Ang m-mama n'yo! T-tawagan n'yo, papuntahin n'yo rito!" hindi maawat na sigaw nito.
Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay naibaling ko ang tingin kay Efren. Nakatingin na rin pala siya sa 'kin. Gamit ang mga mata niya ay nagpapahayag siya ng paumanhin. Nginitian ko lang siya saka tumango.
"Pa, nakakahiya may bisita si Efren..." pabulong na sabi ni Ate Eya habang hinihila niya ang sariling ama papasok sa k'warto. Dahil din sa sinabi niya sa ama ay naglandas ang paningin nito sa 'kin.
"S-sino iyan?" tanong nito. Mabilis siyang itinalikod ni Efren sa 'kin. Binubulungan pa niya ang papa niya. Si Ate Eya naman ay nagpunta sa 'kin saka kinuha ang pagkaing nakapatong sa lamesa.
"Tara, Seren, do'n tayo sa k'warto," pilit ang ngiting anyaya niya sa 'kin. Wala akong salitang tumugon sa kanya. Nagpunta nga kami sa isang k'warto. Bumungad sa paningin ko ang isang bunk bed. Mukhang ito ang k'warto nilang dalawa ni Efren.
"Sorry ha, naabutan mo pa si papa na gano'n," saad niya habang nililigpit ang kalat sa k'warto.
"Okay lang po, Ate," sabi ko.
Inalalayan ako ni Ate Eya paupo sa kama. Napatingin din siya sa tiyan ko. "Buntis ka nga talaga, akala ko nagbibiro lang si Efren," sabi nito.
Napahawak ako sa tiyan ko. "Opo, Ate. Malapit na po akong mag five months."
Tumango siya. "Nakita na kita no'ng graduation n'yo sa junior. Ikaw 'yong salutatorian 'di ba?"
Medyo nahiya ako sa tanong niyang 'yon. Ramdam ko kasing iniisip niyang sayang naman 'yong nakamit kong karangalan kung nabuntis ako nang maaga.
Nang hindi ako umimik ay iniba niya ang usapan. "Dito ang kama ni Efren," sabi niya habang hinihimas ang kama. Itinuro pa niya ang isa pang kama sa taas. "D'yan naman ako. Makulit kasi matulog 'yang si Efren kaya rito lang siya sa baba. Kapag d'yan siya sa taas, sure ako mahuhulog 'yon."
Medyo natawa ako sa k'wento niya. Magsasalita na sana ako nang dumaldal na naman siya. "Mahilig 'yong magkape, nagmana sa 'kin. Sa isang araw nakakadalawang baso 'yon. Ako naman tatlo."
Tumango ako. "Akala ko po binabawasan na niya pagkakape?"
"Oo, pinagbabawalan ko na rin siya! Iyon nga, ang sabi hindi na raw magkakape pero palagi kong nakikitang palihim na nagtitimpla. Tapos isang lunukan lang niya 'yon para hindi ko siya mahuli," natatawang k'wento ni Ate Eya. Nakitawa na rin ako sa kanya. Maya-maya lang ay huminto ang paningin ko sa maliit na study area. Napansin naman niya 'yon. "D'yan namin ni Efren inuubos utak namin. Saksi rin 'yang p'westong 'yan sa pag-iyak ko noong aksidente kong maibuhos 'yong kape ko sa plates ko! Aba'y napasigaw at humagulgol ako noong gabing 'yon. Si Efren nagising, tapos sabi niya . . ." Naghanda si Ate Eya sa paggaya sa boses ni Efren. "Ate, kaylangan mong tanggapin na ang buhay ay weather-weather lang."
Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa pagtawa.
"Aba'y halos ingudngod ko siya sa plates kong natapunan ng kape! Akala naman niya nagbibiro ako noong gabing 'yon. Stress na stress na nga ako, biniro pa ako nang gano'n. Alam mo minsan mas trip ko na lang na naging babae si Efren. Para alam mo 'yon . . . mahinhin lang saka hindi dugyot! Ako pa kaya naglalaba ng underw—"

BINABASA MO ANG
Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)
RomanceThe ambitious Seren Cleriz Briones is a confident and brave girl. She was determined to achieve her dreams. But her dreams disappeared before her eyes when Zan Jamison Aguirre, her boyfriend, got her pregnant. ??? As a smart and outstanding stude...