抖阴社区

CHAPTER 32 - STILL RUDE

11.6K 359 51
                                        

"Naka-move on na'ko."

Seryosong saad ko kay Zoe habang nakatutok 'yung paningin sa screen ng laptop na nasa harapan.

Alam ko namang pumunta lang siya dito para tanongin 'yan. Nakwento na kasi ng madaldal na si Tiffany ang nangyari sa party.

I heard her chuckles." I just really want to have an update about the case we are holding. "

Kasama ko kasi si Zoe sa law firm. Parehas kaming Prosecutor. Si Tiffany ay prosecutor din naman kaso sa ibang law firm siya pumasok. Nagsasawa na raw kasi siya sa mga mukha namin.

Si Rence lang 'yung nag-defender kaso private.

I rolled my eyes while leaning my back against the backrest before looking up to stare at her as well.

"Wag ako. Chismosa ka rin."

"Yeah, whatever." she rolled her eyes. Mas ma-attitude talaga siya sa akin." About the case nga.I need an update."

Sineryoso ko na 'yung mukha nang makitang hindi na siya nagbibiro.

"Right.I went in the crime scene and I...found nothing again. Masiyadong malinis"

"So, still no update?"Paniniguro niya.

Tumango naman ako bilang pagsagot.

Ilang buwan nanaming iniimbistigahan ni Zoe ito.

This case is about rape and murder.

May hint na kami kung sino pero hindi namin makasuhan kasi wala kaming sapat na ebidensya tapos 'yung mga witnesses pa ay bigla na lang nagsisiwalaan o 'di kaya ay umaatras.

Hindi naman namin pwedeng pilitin.

Well, makapangyarihan kasi 'yung pamilya kaya mahirap hulihin.

"If we didn't catch the culprit..we might lose this case." seryosong pagbasag ni Zoe sa katahimikan.

"Kapag nawala sa atin 'to ay mas malaki ang chance na hindi na natin mahuhuli ang kriminal."

Napapikit ako at hinilot 'yung noo, problemado.

Kapag kasi nawala sa amin 'to at napunta sa iba ay mas malaki ang chance na makawala na ng tuluyan 'yung salarin.

Umalis na agad si Zoe sa opisina ko kasi marami pa raw siyang gagawin. Masyado siyang babad sa trabaho.

Nag-apply pa sila ni Tiffany sa university para magturo kaya halata 'yung pagod sa mga mata niya.

Si Tiffany ay dati pa namang mukhang pagod 'yon kaya hindi na nakakagulat 'yung mukha.

"Magl-lunch kana, prosecutor?" tanong ni Raine sa akin.

Siya 'yung nakasama ko sa mock trial dati.

Sinulyapan ko siya habang naghihintay bumukas 'yung elevator. Kasama rin namin siya rito sa law firm.

"Yes."

"Ako rin! Sabay na tayo."

Hindi na ako nagulat noong pumulupot 'yung kamay niya sa braso ko. Napaka clingy niya lang kasi talaga.

Hindi ko nga alam kung bakit nilalagyan nila ng malisya itong pagdikit ni Raine sa'kin na kami na raw o dating na raw kami.

Noong nalaman nga ni Raine na may issue kami ay tinawanan niya lang 'yon at sinabing hayaan ko na lang daw.

She has a boyfriend din kasi.

"Saan mo gusto kumain?" nakangiting tanong niya pagkapasok namin sa elevator.

Always Mine [unedited] Where stories live. Discover now