抖阴社区

SIMULA

4.7K 37 0
                                        

Chapter 1








Madumi akong babae, pokpok o malandi ang tawag saakin ng karamihan.... Pero kahit ganon pa man ay wala akong pakielam o kahit na anong reaksyon kapag sinasabihan nila ako ng mga ganong masasakit na salita sapagkat hindi naman nila alam kung sino ba talaga ako.

Elaijah Avnier, mala anghel ang aking pangalan ngunit nakatatak na saaking katawan ang dumi at putik.

Tulad nang iba, wala kaming kakayahan para makapag-aral ako.

Bata pa ako nang mamatay si mama sa sakit na lukimia. Tapos ilang taon lang sumunod nadin si papa dahil hindi nya kinaya ang lungkot. At ako? Eto buhay pa dahil kay ate Martha.

Magmula nang mamatay ang mga magulang ko inako nako ni ate Martha, kapatid sya ni papa. Ang buong akala ko ay magiging maayos ang takbo ng aking buhay sakanya ngunit.... Nagkakamali ako, si ate Martha ang klase ng titang walang ginawa kundi ang mag sugal. Ni hindi ko na nga sya nakikitang gumagawa nang gawaing bahay....


Nakatira lang kami dito sa tondo, masikip, mabaho at maingay. Kapos kami sa pera, lahat ata ng aking suweldo ay kay ate Martha napupunta. Lahat nang perang pinag hihirapan ko laging napupunta sa bulsa nya.

Matagal akong nag tiis sa pang mamalupit at pag mamaltrato nya saakin. Hindi ko na kaya...







----









"Ate papasok na po ako," paalam ko kay ate Martha.

"oh anong gagawin ko?" masungit na sabi nya sabay tapon ng baraha sa lamesa.

"ah.. Kasi ate, hindi pako kumakain mula kanina. Ang sakit na kasi ng ulo ko tsaka ng tyan ko—"

"at kasalanan ko pa?!" sinigawan nya ako kaya naman napatingin ang mga kapit bahay naming chismosa.

"alam mo kulang na nga yung perang inaabot mo sakin tapos manghihingi kapa. Lumayas ka na nga bago pa mag dilim ang paningin ko sayong bata ka!" Bulyaw nito saakin.




Wala na akong magagawa. Dabog akong umalis, gutom na gutom na ako. Kahit isang patak ng tubig tatanggapin ko na maitawin lang tong gutom ko. Kanina pa ako nahihilo, ang sakit-sakit sa tyan pero wala paring pake si ate Martha.

Habang nag lalakad ako saaming eskinita ay rinig na rinig ko ang bawat bulungan ng mga kapit bahay namin...


"oh tabe dadaan si pokpok hahahah"



"ay nako anak! Tara na sa bahay pumasok kana at baka mahawaan kapa ng maduming damo"


"... Nako hija umaalingasaw ang baho mo lumaya kana dito hahahaha"




Nakayuko lang ako habang hawak ang aking masakit na tyan. Nilagpasan ko lang sila at hindi na umimik pa. Tama naman sila, madumi ako, nakakadiri at pokpok. At tama din sila, nakakahiya nga ako.... Pero anong magagawa ko?



Sumakay na ako ng jeep at nag tungo na saaking maduming trabaho.



Mag didilim na ng makarating ako sa makati kung saan nakatayo ang bar na pinagtatrabahuhan ko.


President Nicolas Apollo Hagiwara Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon