抖阴社区

CHAPTER 4

1.7K 15 0
                                        

Chapter 4











"... Gusto ng pagbabago ng mga tao pero sila ayaw mag bago" rinig kong sigaw ni President Nicolas sa loob ng kanya opisina.

Kasalukuyan akong nakikichismis dito sa labas ng kanyang opisina sa kadahilanang kanina pa sya sigaw ng sigaw at naiirita nako. Gusto ko na nga syang pasukin at sigawan para tumahimik tong kupal nato!


"P-president... Nag trending na po kayo sa mga social media—Wala daw po kayong ginawa sa bansang to" utal na paliwanag ng kanyang sekretaryang bakla.

"WALANG GINAGAWA?!" sigaw nito na talagang nag patakot sa kanyang kaharap.





"it is my fault na masyado silang atat sa pag babago—"





Hindi ko nakaya, sinugod ko sya sakanyang opisina nang may tapang at walang kaba saaking buong katawan. Tsk kupal pala tong binoto ng mamamayan!

"binoto ka ng mga tao para sa pag babagong inaasam nila tapos ganyan pala mindset mong kupal ka!" sigaw ko kaya agad na saakin nabaling ang kanilang mga atensyon.


"Gusto namin nang magandang kinabukasan kaya ikaw ang binoto ng lahat tapos ngayon sasabihin mo yang mga salitang yan?! Kupal ka talaga—"




"Paano mag kakaron ng pag babago kung lahat kayo ayaw mag bago?!"




".... Paano kami mag babago kung ang pinapakita nyong politiko ay paulit-ulit lang?" protesta ko.




Kupal talaga tong mga gobyernong toh! Walang ginawa kundi ang mag pakasasa sa mga yamang natatanggap nila saaaming mga mamamayanan. Nakaupo lang sila at mag uutos kung anong gusto nila.

"ANG DAMING NAG HIHIRAP SA BANSANG TOH—"





"AT KASALANAN KO—"








"OKAY! OKAY! That's enough!" awat saamin ng baklang sekretarya.



".... P-president, mukhang tama naman si Ms.?"







"Elaijah" pag papakilala ko.





"Elaijah. Mukhang tama naman sya President, sir—Mukha ngang kailangan ng pag babago nyo nang saganon ay unti-unti rin silang mag bago noh oo, opo" paliwanag nito.



Huminga naman ng malalim si President Nicolas saka hinilot ang kanyang noo. ".... Dami mong alam, ikaw nalang dapat umupo dito"




"hindi madami ang nalalaman ko. Sadyang madami lang akong naranasan..." pagsabi ko naman ng totoo.







----





Gabi na at tapos na ako saaking pagkain nang umakyat ako saaking kuwarto—Este kuwarto namin ni President Nicolas.... Kanina pa nga sya wala, ang sabi ni Pim ay nasa malakanyang daw ito—Si Pim naman yung sekretaryang bakla kanina.

Nahiga nalang ako sa kama at nag muni-muni. Ewan ko ba, kanina pa ako wala sa mood ng umalis itong si President.






President Nicolas Apollo Hagiwara Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon