The Secluded Trails of Deceit
written by : riyanisity
Right after I went out of the condo building, Draven was already coming out of his car. Nakapatay na ang makina no'n, dahil balak niya pa ata akong sunduin sa mismong unit ko.
His eyes blinked repeatedly when he saw me. Wala sa wisyo siyang lumapit sa'kin, pinatakan ng halik ang noo ko, at kinuha ang kahon na aking bitbit. Pabalik-balik ang tingin ng mga mata niya mula sa aking mukha, pababa sa mga paa ko matapos gawin amg mga 'yon. His lips were shaped in an 'o' too, out of amusement.
My brow shot up before I flipped my hair.
"Ganda mo naman, Miss." He said behind my back, now following me as I walked straight to the side of his car's passenger seat.
Binalik ko ang tingin ko sakanya at sinubukang buksan ang pinto, para malaman niyang nakasara pa rin 'yon hanggang ngayon. At first, he was clueless about what I was doing, but eventually nodded his head at me and placed the box above the car, after I pointed the glass window. Kinuha niya ang susi mula sa bulsa ng pantalon na kaniyang suot at pinindot ang isang pindutan do'n para makapasok na ako.
He opened the door for me, which I returned with a single kiss beside his lips, "You look good too, Draven." saad ko bago pumasok at umupo sa loob.
Before he closed the door, I clearly saw his huge smile as he bit his lower lip, blushing cheeks because of what I did, and also his reddening ears too, which signals excitement and being flustered. Nahagip rin nga mga mata ko ang kamay niyang nakahawak sa parte kung saan ako humalik.
Saglit pa siyang tumagal do'n na nakatayo lang, bago siya tuluyang gumalaw para ipasok ang regalo ko sa upuan sa likuran naming dalawa, at umikot sa harapan ng sasakyan para makaupo na rin sa tabi ko. I was even a bit surprised when he kissed me on my left cheek suddenly, right after he went inside. He, on the other hand, just calmly buckled himself up, like he didn't do anything to make my heart skip a beat. Pinaandar niya ang kotse at nagmaneho siya paalis matapos no'n.
Kumatok ako nang marahan sa kamay niyang gumapang sa hita ko, "Shouldn't we buy something to eat later?" tanong ko.
His eyes looked at me for a few seconds before they went straight to the rear-view mirror beside me. As he was changing lanes, his hold on me tightened before I felt him caressing the same spot. "No need na po, Miss."
"Hindi tayo kakain? Habang nanonood..?" My head tilted. "I don't think they will sell some foods there, Draven."
He shrugged his shoulders, "Bumili na ako ng mga pagkain bago kita sunduin, Miss. Pero kung may gusto kang kainin ngayon o mamaya na hindi ko pala nabili, edi bilhin din natin." sagot niya.
I shook my head, "I'm sure you bought one to three bags with you. Masyado ng marami 'yon." hula ko.
He cleared his throat, "Uh... Parang lima ata 'yon..? O baka anim siguro." hindi niya rin siguradong sagot.
His nose scrunched right after I stared at him with my eyes widening. Napansin niya 'yon nang sumilip siya sa'kin mula sa gilid ng mga mata niya.
"Syempre, kailangan din natin ng ulam at kanin, kaya dumaan ako sa drive-thru." He gulped and licked his lips. "Mga snacks kung ayaw mo naman no'n. Tapos inumin pa, diba? Desserts and sweets!" Binigyan niya ako ng ngiti, "Meron ding pagkain na nasa sticks lang, para mapapak natin." dagdag niya pa.
Ngumiwi ako, nagpakawala ng buntong hininga, at pinili na lang tumango sakanya. "Iuuwi natin lahat ng hindi mauubos."
His lips pouted as he pulled the handbrake, after stopping because of the red stop light that caught us. Tumingin siya sa'kin at inilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa aking likod ng tainga, "Maging maganda lang ang role mo ngayon, Miss. Akong bahala sa lahat, kaya huwag ka ng mag-isip o mag-alala pa sa kung ano-anong bagay, hmm?" malambing na sabi niya.

BINABASA MO ANG
THE SECLUDED TRAILS OF DECEIT '. ruler of fate series l first book
RomanceAt the very end of her heart's beating, there's someone hiding, purposely locked up and sealed by none other than her own loving. That girl is known as Giovanna Chantria Asuncion. Who chose to forget what was all in the past but faced it again when...