Totoo nga naman na ang tanging nagpapagalaw at nagpapaikot sa mundo ay ang PAG-IBIG. PAG-IBIG SA PERA, PAG-IBIG SA KAPWA, PAG-IBIG SA BAYAN, PAG-IBIG SA SARILI, PAG-IBIG sa mga bagay-bagay at kung anu-anupang iniibig at minamahal. Ang mga ito ang nagpapaikot sa istorya ng bawat nilalang na nabubuhay dito sa mundo. At bawat kilos o galaw na gawin at pagdesisyunan ng isang taong nagmamahal at umiibig ay makakaapekto sa galaw ng buhay ng lahat ng taong nakapalibot sa kanila.
Ito ang istorya nating mga kabataan. Nang dahil sa pag-ibig marami tayong napapasaya ngunit kung hindi natin ito gagamitin sa tama, marami rin ang mapapahamak.
Dito ko (sa dorm) sinimulan ang kwento ko ngunit hindi ibig sabihin ay dito ko rin tatapusin ang kwento ko. OO! Hindi pa nga tapos ang kwento ko, dahil ang tanging makakapagtapos lamang nito ay KAYO. At habang nabubuhay kau sa mundo na puno ng PAGMAMAHAL at PAG-IBIG, tuloy tuloy ang storya, hindi niyo mahahanap ang wakas at katapusan ng kwentong ito hanggat hindi kayo payapang namamatay. Kung ano man ang magiging kapalaran at takbo ng buhay niyo ay yun din ang magiging takbo ng istoryang ito.
Naway sana mahanap niyo ang tunay na kaligayahan sa buhay nina CORA, CLARA, EMIL, MANUEL, ANTON at MEL.
VIDEO:
http://www.youtube.com/watch?v=bkjltmwqlpw - part 1
http://www.youtube.com/watch?v=CvanZRtHFRg&feature=relmfu - part 2

BINABASA MO ANG
"NEXT IN LINE"
Teen FictionTungkol sa anim na kabataan na may iba't ibang suliraning hinaharap sa kani-kanilang buhay. Cora, Clara, Manuel, Emil, Anton at Mel. Bawat karakter ay kumakatawan sa bawat kabataang (modern youth) na nabubuhay sa mundong ating ginagalawan. Pinagko-k...