抖阴社区

Chapter Eight

407 16 3
                                        

Nandito kami ngayon sa night market para magdinner. Napagdesisyonan kasi ng mga kaklase ko na after magpicnic ay magdinner muna bago umuwi sumang-ayon naman si Sir Ilag.

"What do you want?" Tanong ng katabi ko habang sopistikada niyang tinignan ang mga pagkain na nasa harapan namin.

I pointed the tempura, fishball at kikiam. Ayokong magrice today. Wala akong gana.

"What else pa?" Malambing niyang tanong kaya naguguluhan ko siyang tinignan. Ano naman ang nakain nito at hindi nagmamaldita sa akin.

"Wala na po." She nodded her head at nag-order na ng kung ano-ano.

Magkatabi rin kaming umupo sa mga lamesang pinagtagpi-tagpi namin para maisa ito at makasya kaming lahat. Kaniya-kaniya ang pag-order kasi.

I smiled when I saw my classmates bonding with each other. Ito talaga ang gusto ko na magbonding kami palagi to promote camaraderie in our blocks. Syempre four years din kaming magsasama-sama sa program na ito kaya kailangan magkakasundo kami dapat.

"How's your face?" Tanong naman ni Miss Cardell. Nilingon ko ito. I gave her a cheeky smile.

"Cute parin naman po." Pagpapacute ko pa. Inirapan niya ako at napapailing.

"Yung message ko sayo kagabi." Panimula niya, na ikanakunot naman ng noo ko. May message pala siya?

"Wala po akong na receive." Ani ko naman at kinuha ko ang phone ko para tignan.

"I sent it to your messenger dummy." Binuksan ko naman ang messenger ko puno iyon ng mga messages ng group chats sa orgs ko at sa gc's ng mga mayors. I scrolled through my phone at tama nga, natambakan na ito kaya hindi ko na nabasa.

"Ay sorry po. Marami po kasing chats." She nodded her head at pinaglaruan lang ang cp niya nasa ibabaw ng lamesa.

"I was worried." Ani niya pero hindi parin nakatingin sa akin. I stared at her waiting for the next words to come out in her mouth pero ilang sandali ay hindi na ito nasundan pa.

"Why are you worried po ma'am?" I gently took her hand and started measuring my hand on hers. She looked at our hands akala ko babawiin niya pero hinayaan niya lang ako.

"You didn't reply. I thought you didn't get home safe." She whispered like she doesn't want me to hear it. Ang cute ng future Misis ko.

I'm tracing my hand on hers ng dumating na yung pagkain ay babawiin ko na sana ang kamay ko pero hinawakan niya ito at ayaw pakawalan. Kaya tag-iisa kaming kamay gamit sa pagkain.

I started digging narin dahil natatakam ako sa pagkain.

"Cy." Tawag niya sa akin kaya lumingon ako sa kaniya.

"Yes Miss?"

"I want that." She pointed the tempura using her mouth. I chuckled lightly ang cute niya.

"Then get it. You can get naman. Hindi ako madamot." I gave her a smile and encourage her to get some. But she raised our intertwined hands. I looked at her confusingly.

"Why?" I asked still confused. Baka gusto niyang bitawan ko? Pero imposible siya nga itong mahigpit na humawak sa kamay ko.

"Feed me." Utos niya tinignan ko ang kabilang kamay niya may hawak na kutsara na may lamang kanin. Napabuntong hininga ako at tumusok na lang ng tempura.

Hinipan ko ito bago isinubo sa kaniya. She chewed it slowly. Savoring it's taste. Ang ganda niya talaga. Napatingin naman ako sa mga labi niya, how does it feel kapag naglapat kaya yung labi namin? Her lips seems so delicious to be tasted.

Intersected LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon