抖阴社区

27

16 2 2
                                        


Tatlong taon na ang nakalilipas pero ganoon pa rin ang sitwasyon namin ni Mama. Nakatira pa rin kami sa dating bahay ni Lola at hindi pa namin naibabalik ang bahay namin dahil kulang pa ang naipon namin para matubos iyon.

Medyo nahihirapan na siyang magbenta sa palengke dahil hindi na katulad ng dati na malulusog at magaganda ang mga manok na benta niya. Ngayon kasi ay nagmahal na ang mga pagkain ng mga manok kaya ginagawan na lang ni Mama ng paraan para mapakain sila.

Ang mga tanim naman naming gulay ay mahirap lumago dahil hindi katulad sa bahay namin ay kompleto ang gamit kaya malalago ang mga gulay namin dati. Hindi na tuloy sapat ang kinikita ni Mama dahil sa pagbabago.

Halos puro delata o di kaya noodles ang kinakain namin palagi. Kailangan kasi naming magtabi para sa iba pang gastusin.

"Ma, kunin mo na kasi ang kita ko sa trabaho. Alam kong nagsasawa ka na sa delata tapos hindi ka pa po nabubusog." May sidelines ako para makaipon, ibinibigay ko sa kanya ang pera pero tinatanggihan niya dahil sa akin daw iyon at huwag kong ibigay sa kanya.

Umiling siya. "Para sa'yo 'yan, Alisson. Ikaw ang nagtrabaho kaya sa'yo ang pera. At sinong nagsabing nagsasawa na ako sa delata?" Tumawa siya at sumubo ng kutsara na may lamang delata at kanin.

Binalutan ng lungkot ang puso ko. Pumayat na si Mama. Nag-aalala na ako sa kalusugan niya. Nakakakain lang kami ng marami kapag nag-aaya ang mga kaibigan kong kumain kami sa bahay nila, o kaya kapag mataas ang nakukuhang kita ni Mama. Wala palang alam ang mga kaibigan ko na ganito na ang estado namin sa buhay dahil hindi ko sinasabi.

Alam kong tutulong sila sa amin pero ayaw ko. Hindi naman nila ako pwedeng tulungan na lang palagi. "Bukas bibili ako ng ulam. Anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Mama.

"Kahit ano po." Sabi ko at kumain na rin.

Bukas ay papasok na naman ako dahil may OJT na kami sa pagtuturo. Kung nagtataka kayo kung papaano iyon ay ganoon kasi ang patakaran sa school namin. After ng graduation ay doon magsisimula ang OJT. Hindi ganoon kadali dahil madalas akong ma-stress sa mga batang tinuturuan ko.

✿ ლ ९𐨀 ૮₍ • ᴥ • ₎ა ✧ ♡ ⋈ ♪

Nagising ako ng maaga para maaga akong makapasok. Nagsabay kami ulit ni Lie na pumasok dahil parehas lang naman ang school na pinapasukan namin. "Good morning, Ma'am." Ngumiti ako sa nakasalubong kong teacher.

Sakto lang ang laki ng school na ito. Since grade 1 ang tuturuan kong mga bata, rito ako sa elementary school magtuturo. Bukas na ang room ni Mrs. Dizon na siyang adviser ng mga bata. Sumilip muna ako sa loob bago pumasok. Nakita ko naman si Mrs. Dizon na nakaupo sa may table niya sa likod at nagsusulat. Napataas naman ang tingin niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at sinuklian niya rin iyon ng ngiti. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Good morning, Alisson." She greeted me with her sweet smile. Hindi halatang nasa 40's na siya dahil walang kupas ang kagandahan niya.

"Good morning, ma'am." Bati ko pabalik at ngumiti. Pumunta ako sa likod at inilapag ang gamit ko sa isang table dahil doon ang pwesto ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong sa akin ng guro. Itinuro niya ang pancake na nasa table niya.

"Ah, opo Ma'am, kumain na po ako. Salamat po." Tumawa ako ng mahina. 

Kinuha niya iyon sa table niya at inilahad sa akin. "Eto kumain ka muna bago magturo para may energy ka." Tumawa siya ng kaunti. "Mainit pa 'yan. May kape rin pala akong inihanda." Tinanggal niya ang takip ng baso at inilagay sa harap ko ang pagkain. Ngumiti naman ako dahil napakabait tala niyang teacher.

"Sige maupo ka na at kumain muna. Hintayin lang natin na makumpleto ang mga studyante." Ngumiti siya. Tumango naman ako at ngumiti bago sumubo sa pancake at nagsimulang kumain. Natatakam ako sa lasa. Nabitin tuloy ako sa nakain ko nang maubos ko. Simot ang platito! Sana huwag ako tawanan ni Mrs. Dizon kapag nakita niya!

Rainbows After RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon