抖阴社区

28

15 2 4
                                        


"Kamusta na si Tita? Hindi na ako nakakapunta sa bahay n'yo." Sumimangot si Lie habang kumakain kami.

"Punta ka mamaya." Ngumiti ako para hindi na siya magtampo. Ngumiti rin naman siya agad. Ngayon ay magkakasama kaming naglunch dahil free naman kaming tatlo nila Lucas. Si Lucas ay galing sa school pero kagaya namin ay OJT din siya rito. Nakilala namin siya at naging close namin siya agad kaya nakakasama namin siya.

"Tinanggap mo ba 'yong tutor?" Tanong naman ni Lucas kaya napatingin ako sa kanya. Naikwento ko kasi sa kanila ang nangyari at nagpapatulong ako kung anong gagawin ko.

Tumango lang ako. "Oo, start na sa saturday. Every weekend." Sagot ko naman.

"Hindi naman siguro prank 'yan no? Hindi mo pa kasi na-meet ang parents tapos start na agad sa sabado?" Sabi ni Lie at uminom ng tubig pagkatapos.

"Ano ka ba. Nakapag-usap naman kami ng guardian n'ya, pero sa chat nga lang." Itinikom ko ang bibig ko. "At tsaka mukhang totoo naman, 'wag ka ngang nega!" Pagbibiro ko. Tumawa naman sila. Pero sana nga ay hindi iyon prank o ano man.

Minsan na lang kami magkitakita ng mga iba naming kaibigan dahil busy na talaga sila sa trabaho dahil matagal naman na kaming graduate ay may trabaho na ang iba. Kami naman ni Lie ay OJT pa lang kami pagkatapos ng tatlong taon. Hindi pa kami nagtake ng board exam kaya matagal pa kaming magiging guro.

"Oo nga pala birthday na ni Ashley sa linggo. Pupunta kayo?" Ako naman ang nagtanong nang maalalang birthday pala ni Ash sa linggo.

Tumango si Lie. "Oo naman. Magtatampo 'yon kaya pupunta na lang ako kahit sawa na ako sa mukha n'ya." Tumawa si Lie. Matampuhin kasi si Ashley kapag sa mga ganiyang bagay. "Magreregalo pa kayo?" Dagdag niya.

"'Wag na matanda na 'yon para regaluhan!" Si Lucas naman ang nagbiro at tumawa. Naging part na rin si Lucas sa pagkakaibigan namin kaya parang kami ni Lie ay close niya na rin ang mga kaibigan namin.

"Bukas na lang tayo bumili ng gift after school since biyernes na bukas." Suhestyon naman ni Lie. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ako sa room ni Mrs. Dizon. Kumakain pa ang ibang mga bata habang ang iba naman ay naglalaro na.

"Teacher, Alisson!" Tawag ng isa kong studyante. Lumingon naman ako sa kanya. "Yes, Anika?" Nakita kong kailangan niya ng tulong ko kaya umupo ako sa harap niya. "Can you help me to tie my hair, please." She pouted. Tumawa naman ako ng bahagya at pumayag. Ang cute talaga nila. 

Kinapa pa niya ang buhok niya nang matapos ko siyang ipitan. "Thank you, teacher." Ngumiti siya ng malaki sa akin. May kinuha siyang chocolate sa lunch box niya at ibinigay iyon sa akin. "For you, teacher." Ngumiti naman ako at kinuha 'yon pagkatapos ay nagpasalamat sa kanya. Such a cute! 

Nang matanggap ko ang ibinigay niya ay tumakbo na siya sa mga kaklase niya at sumali sa nilalaro nila. "Cute. Pinalaki talaga ng mabuti ng Mommy niya." Hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala si Mrs. Dizon na nagsalita. Ngumiti naman ako sa sinabi niya.

"Uh, remainder pala, teacher. Hindi ka muna magkaklase sa kanila ng 1-3 pm dahil may event sa gym and 'yong 4-5 nila ay ako muna ang magtuturo. Kaya mamaya pwede ka na munang umuwi ng maaga." Tumango naman ako sa sinabi ni Mrs. Dizon. Nasabi iyon sa akin nila Lie kanina kaya hindi na ako nagulat. Napagdesisyonan kong mga 2pm na lang ako uuwi para matingnan ko ang mga bata sa gym.

Nang mag-alauna na ay pinapunta na namin sila sa gym nang magkakasama. Binantayan ko sila ng mabuti para walang maligaw o mawala sa grupo nila. Binilang ko pa nga sila kung kumpleto sila nang makaupo sila. Kumpleto naman at behave lang sila sa kanya-kanyang upuan nila. 

Rainbows After RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon