抖阴社区

Entry #36

3 1 0
                                    

Palaisipan

Nakakatakot minsan hindi ba?
Ang mag-isa at walang kasama.
Ngunit lingid sa kaalaman ng iba,
Maraming palaisipan pala ang dala.

Maraming tumatakbo sa isipan,
Hindi alam kung paano pipigilan;
Kung hindi rin naman masasagutan,
Ang walang katapusang mga katanungan.

Nakakawalang buhay ang mag-isa,
Nakakamanhid ng buong sistema.
Hindi ni saglit maipikit ang mga mata,
Sapagkat ang isipan ay maraming dala.

Hindi na ba ito masosolusyonan?
Hindi na ba ito mapipigilan?
Ang mga baong palaisipan,
Unti-unti akong sinasaktan.




_____________________
Written by yours truly. 

08/02/24

Field of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon