抖阴社区

Chapter 57: Aquarium Date

684 38 10
                                        

MORGANA

CLOTHILDE'S FACE earlier was the most satisfying view I've ever looked at. 'Yung reaction niya na parang humiwalay kaluluwa niya. Sa sobrang gulat pa nga'y nahulog ang panga niya. Naririnig ko pa siyang nagsisisigaw noong makaalis ako sa kwarto niya. I was so glad I upset her that much— at least nakabawi ako sa mga pang-iinsulto niya.

Haah . . . talking about Almost The Same World with Clothilde made me feel dumb. If wala nga talagang romance sa mundong ito, para lang akong tangang nag-establish ng law of wattpad kineme. Kung may nakakabasa man ng monologue ko, mahihiya ako kung malalaman nila 'yung mga article-article na sinasabi ko.

Gawd, kaka-wattpad ko ba 'yun? I don't even remember if I was a wattpad-holic before.

'Di bale na. Iisa nalang ang natitirang katanungan sa isip ko. How do we— no, ako lang pala— how do I get back to the real world and get my answers?

Pagkatapos ay naalala ko 'yung usap-usapan tungkol sa library ng school namin. Sinabi sa 'kin iyon ni Axton noong panahong nag-cut ako ng classes.

"Sabi nila . . . kapag in-arrange mo raw ang mga tamang libro sa dulong shelf tapos sa pinakababang row, mapupunta ka raw sa ibang mundo. Or baka sa parallel world."

So here I am, in King Hansley's library in this Sunday noon. Kahit walang pasok, open pa rin naman ang school namin dahil sa malaking library namin na halos katumbas na ng local library sa city na 'to. Maraming estudyante sa ibang school ang pumupunta rito para mag-aral pa nga.

Now that I think of it, this library has an ominous feeling.

Lumingon-lingon ako sa paligid ng library. Wala pa ring itong pinagbago simula noong huli kong punta rito dahil sa literature classes namin. May mga estudyante ng naka-casual clothes lang, karamihan ay mga babae.

So far, wala akong nakikitang kakilala ko kaya magaan ang loob ko.

Nagtungo ako sa dulong shelf at tinitigan ang pinakababang row. Umupo ako sa sahig tutal may mat naman kaya naging komportable ako.

There must be a clue somewhere. Clue tungkol sa kung ano'ng mga libro ang kailangang ilagay at i-arrange. Kailangan ko ring alamin kung saan nanggaling ang rumor na 'yon. Ang mga chismis ay pinapanganak dahil may nangyari. That's also how this rumor started. Someone . . . must've done it before . . . probably.

'Di ko alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa mga libro. Mga one feet ang height ng bawat shelf at one and a half meter ang haba niya pero halos mga fifteen ang libro kaya kalahati lang ang na-occupy na space.

Ginawa ko na ang lahat ng naiisip ko— inalis ang lahat ng libro, in-analyze 'yung bawat sulok, naghanap ng mga carvings, or kahit anong clues— pero wala pa rin akong makita.

Halos mawalan na ako nang pag-asa pero ginising ako ng alarm ng phone ko.

Wait. Shucks!

Magsisimula na 'yung laban ni Axton sa Nationals!

♔♔♔♔

ONE WEEK LATER.

NATALO SILA Axton sa quarter finals. Pero hindi siya kagaya nila Zion at Louwis na nagmukmok. It looked as if that battle only made him stronger. Satisfied sita sa results. May pa-speech pa nga siya sa classroom namin na natalo sila dahil magagaling ang mga kalaban. Their opponents deserve the victory. Lesson na 'yun para sa team nila. I'm happy and sad at the same time for them.

The one day, naka-receive ako ng email mula sa kaniya.

Yes! Email mismo. Hindi basta-basta text. Hindi message sa Messenger. Email!

Law of 抖阴社区Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon