Itong araw nato kakatapos lang ng class ko dahil bigayan ng grades kaya nag aya bigla yung mga classmates ko na kumain sa
doc wings sa may tapat ng school ng UCC kung saan nag aaral si kano.Hilaw: Dito ako sa school mo
Kano: gawa mo diyan?
Hilaw: kakain sa doc wings
Kano: Sino kasama mo?
Hilaw: Mga classmates ko nag kaayaan bigayan ng grades namin ngayon mukang d ako makakapasok sa scholarship
Kano: ako nga may exam ngayon e,
Kita kita dito ikaw bayung naka white/blue na stripe na naka short?Hilaw: d ko alam kung white to haha
Kano: abno ka color blind kaba haha, tingin ka sa taas
Hilaw: kita kita dito sa salamin, sabi naba maputi karin eh mukang kalbo ka ata?
Kano: Oo kalbo ko haha
Hilaw: Kalbo, Huwag ka tumawag baliw to hahaha tsaka d ko rin sasagutin yan lako load
Kano: Tanaw na tanaw kita dito wag ka tumae diyan HAHAHAHAH....
Hilaw: utut mo mainet kaya dito tsaka wala upuan
Kano: kaway ka dali
Hilaw: eh?
Kano: kaway ka muna , dali kaway kaway..
Hilaw: baliw, edi magugulat mga classmate ko kung sino kinakawayan ko, ma issue pako
Kano: Ano naman parang kaway lang issue agad
Hilaw: Oo, baliw
Kano: pasok nako sa loob exam na namin
Hilaw: ah sge sge good luck , kain lang kami
Kano: sge sge eat well
Habang kumakain ako, Siya yung naiisip ko haha yung feeling na baka bumaba siya para makita niya ko sa personal.
Kano: Brad! 😪
Hilaw: Ow bakit?
Kano: hindi ako pina exam pag iispan pa daw ng prof ko mas hihirapan pa daw niya
Hilaw: bakit daw?
Kano: D ko rin alam naiiyak nako kanina nakikinig mga classmates ko, pinipigilan ko lang bagsak nako neto
Hilaw: ako nga d nakapasok sa scholar ang baba mag bigay netong terror prof ko nato
Buti nalang kahit papaano nakapasang awa koKano: buti kapa, eh saken literal na bagsak na D nako umaasa accounting pa naman major subject ko pa
Hilaw: saken minor ih
Kano: pero nakapag exam parin ako sa ibang subjects, tumingin ako sa baba akala ko nandun pa kayo
Hilaw: baliw gabi na, anong oras na bat kami mag stay dun
Kano: Malay ko ba, bat galit ka!
Hilaw: Hindi ah baliw to hahaha, oy pero atleast nakita na kita kahit sa malayo
Kano: ehh...kung humarap at kumaway ka sana abno karin eh.
Hilaw: hiya ko baliw
Natapos ang araw at nawala na ang tensyon tungkol sa school, lumipas ang ilang linggo unti unting nag bago ang takbo ng paningin ko sa kaniya
Hilaw: Oi par!
Kano: Oh?.. bakit?
Hilaw: Walang lang haha
Kano: La di nga?
Hilaw: Oo wala na nakalimutan ko na
Kano: ganyan ka nanaman mag cha-chat ka tas sasabihin mo nakalimutan mo na
Hilaw: hahaha saka na
Kano: nu bayun? Importante bayan?
Hilaw: Di ko alam hahaha
Kano: Sabihin mo na kase!
Hilaw: saka na baka sa tapos ng taon
Kano: huh! Ang tagal naman october palang ngayon december mo pa sasabihin.
Hilaw: Oo, saka nalang hahaha pag december na.
Kano: ka batrip ka naman!
Hilaw: hahaha
Kano: tawa tawa kapa nakakatawa ba!
Hilaw: basta december nalang
Kano: edi sa december mo nalang ako ulit i chat
Hilaw: Ngek
Kano: Oh edi sabihin mo na ngayon
Hilaw: Basta...
Kano: baka hindi ako makatulog niyan baka isipin ko payan bago matulog kung ano sasabihin mo
Hilaw: Huwag mo na intindihin to di naman to importante.
Tumagal ng halos mag dadalawang buwan ng walang kibuan na halos mag papasko ko na.
Kano: Par ano na?
Hilaw: oy ano rin
Kano: Diba may sasabihin ka december na oh! Baka i next year mo payan
Hilaw: Ah ayun ba wala yun hahaha
Kano: kabadtrip ka naman brad!.
Hilaw: sa new year nalang hahaha
Kano: Lakas ng tama mo nag intay pa manden ako akala ko sasabihin mo na
Hilaw: O di kaya sa mismong pasko na para isang bagsakan nalang haha
Kano: ano ba kasi yun, parang hirap na hirap ka naman sabihin yan.
Natameme ako dahil hindi ko na alam kung pano ko sasabihin sa kaniya sa sobrang pag iisip ko kung ano ang magiging reaction niya
Kaya pinag liban ko muna nag hanap muna ko ng lakas ng loob kahit alam mong konti nalang yung oras para sabihin ito sa kaniya

BINABASA MO ANG
Istorya Nating Dalawa
PoetryTungkol ito sa hindi inaasahan na makakahanap ka ng totoong kaibigan sa social media na hanggang sa umamin ka sa kaniya pero hanggang kaibigan lang talaga kayang ibigay sayo