抖阴社区

aminin ulit

7 1 0
                                        

Balak ko ulit sabihin na gusto ko siya kahit alam na niya. lagi kong ginagawa at nirarason yung salitang "Mahal kita at gusto kita" di ko alam bakit kailangan pa para lang ba saktan yung sarili ko haha

O para lang iparamdam ko lang ulit na mahal ko siya , wala ih gayuma ba to haha

Hilaw: baby (new user name)

Kano: bat mo nanaman pinalitan!.

Hilaw: la lang baby haha

Kano: tigilan mo nga kaka baby saken! di moko baby!!!😒

Hilaw: hahaha

Kano: natawa ka pa talaga!

Hilaw: nanaginip pala ko.

Kano: ano meron lumipad kana haha

Hilaw: Oo, lumipad sa bahay niyo

Kano: haha ano naman ginawa mo dito sa bahay

Hilaw: lam mo na hahaha charot

Kano: nuyun? Pinag sasabi mo alam ko na?

Hilaw: kunwari walang alam haha

Kano: So, ano nga yun? Ano napaginipan mo?

Hilaw: Ayun na nga nag meet tayo sa
SM Sangandaan, tapos sa tagal ng oras natin mag stay dun nalibot na natin lahat ng pwedeng libutin. D natin alam sobrang lakas na pala ng ulan tas inabutan pa ng gabi. Oo, tungaks ako nag dala ko ng bag pero wala akong dalang payong pero may dala kong t shirt at power bank.

Sobrang traffic pa naman kasi baha narin dun, kaya nag palipas muna tayo kahit sandali kung ano na balak natin.

Kaya eto yung naging convo natin nung sa panaginip ko

Kano: So, pano yan tutuloy ka?

Hilaw: Di ko alam pero chat ko muna si Mama

Kano: ansabe daw?

Hilaw: pasundo daw ako o taxi nalang

Kano: Ohh sge wait nalang natin

Hilaw: kaso sabe ko traffic tsaka baha pa 9pm narin kung uuwi ako aabot to ng 11pm

What if sainyo muna ko? Hahaha

Kano: Ah pwede naman...

Hilaw: chat ko nalang rin si Mama ulit sa kaibigan ko muna ako mag stay, sabihin ko nalang rin malapit ka lang naman dito

Kano: sge.

Hilaw: okay daw

Kano: sge dito tayo daan

Hanggang nakarating na tayo sainyo kaso nga lang basang basa na tayo sa ulan...

Hilaw: tinanong ako ng nanay mo kung sino ko at tiga saan ako.

Tapos non binigyan moko ng towel kasi nga nabasa na tayo, sumugod ba naman tayo sa ulan at yung short na sinasabi mo dati binigay mo narin haha

Akala ko nga sabay tayong maliligo haha

Kano: hahaha grabe naman sabay pa naligo

Hilaw: pero ako muna yung nauna kasi guest ako eh hahaha

Kano: malamang.

Hilaw: tapos nakikain narin ako sainyo
Sinigang pa nga ulam sakto isa rin yan sa gusto kong ulam haha

Kano: nakikain pa nga haha

Hilaw: habang kumakain tanong ng tanong nanay mo saken tas yung bunso mong kapatid na kyu-kyutan saken haha

Akala ko nga babangitin ng kapatid mo na nakita na niya nako sa videocall natin e madalas mo pa naman pinapakita saken tas tawag pa nga diba ate haha

Kano: hahaha

Hilaw: tapos tumawag ako kay mama naki connect pako sainyo haha
Na malakas parin ulan.

  Kaya sabi ng mama mo kung pwede dito na muna ko mag palipas ng gabi.

Sabi ko naman pwede naman wala naman problema pero chat ko ulit si mama kung papayag.

Kano: grabe naman haha naki ligo kana , naki heram kapa ng damit naki kain kapa haha tas naka connect kana rin tas makikitulog kapa grabe naman panaginip mo nayan hahaha planado ata yan brad

Hilaw: hahahaha pa ampon ng isang gabi haha

Eto last na haha syempre sa kama mo ako matutulog ikaw na nga lang bahala kung makikitabi ka saken haha

Kano: abay naki agaw pa ng higaan

Hilaw: ayun nakayakap ka lang saken haha eh sabi mo pa naman pala yakap ka buti walang ng yari saten hahaha...

Kano: ibang klaseng panaginip mo nayan wag kana managinip hahaha

Hilaw: ayun tapos na baby 😅😚 haha

Kano: sabeng wag mokong tawagin baby

Hilaw: ehhh wala ih gusto talaga kita

Kano: eto nga brad seryoso tayo

Hilaw: okay gege

Kano: alam ko naman na gusto moko pero ayoko sana umasa ka saken

Hilaw: okaay

Kano: ayoko naman na masaktan ka baka hindi para saken yang pag mamahal mo baka maka hanap ka pa ng higit saken yung gusto karin ng taong mahal mo.
Masaya naman ako bilang kaibigan mo, okay naman tayo sa ganito pero ipapa alala ko lang sayo na huwag kana umasa

Sana naintindihan mo brad 🙂

Hilaw: naintindihan ko naman na wala "talagang pwedeng maging tayo"

Pero wala ih mahal talaga kita hahahaha
Pero hayaan mo mawawala rin to
Masaya rin naman ako kung ano meron tayo, Basta huwag ka lang aalis..

Kano: san naman ako pupunta haha

Hilaw: baka iwan mo rin ako

Kano: gaya sa ibang mga nagustuhan mo?

Hilaw: Oo😐

Kano: hindi mangyayari yan

Basta marami pang iba diyan yung deserve mo... darating din yan hintay mo lang

Hilaw: hintayin kita...

Kano: yan ka nanaman.

Hilaw: ih hahaha, sana nga dumating na para maka dala narin ako dito o kaya kahit videocall never pako nag pakilala kay mama kahit videocall

Kano: ahhh

Hilaw: okiee.

Dito natapos yung usapan masakit man ulit pakinggan pero may konti gaan dahil totoong totoo rin siya hindi siya yung taong gagamitin ka lang para sa pera

Pero wala pa naman akong nabibigay sa kaniya kahit piso

Kung paano ako naging totoo ganun rin siya

Pero alam niyo baka kung sa personal baka hindi ko nagagawa tong pag amin ko sa kaniya.

Istorya Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon