抖阴社区

CHAPTER 17 : DROPLETS OF BLOOD

1.7K 196 31
                                    

[ NOTE: ALL THE CHARACTERS IN THIS BOOK ARE FICTITIOUS THE DEPARTMENT ONE TEAM IS ALSO A FICTITIOUS CONCEPT. WHICH DOES NOT EXIST IN THE REAL POLICE FORCE. ]

                                                                  SAYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.                                                                  SAYRA

DEPARTMENT ONE OFFICE — 6AM IN THE MORNING.

Sumandal ako tapos ipikit ko nang mariin ang aking dalawang mata.  Maaga ako nagising ngayong araw ala-sais pa lamang nang umaga ay narito na ako dahil kailangan namin pumunta sa Saint Joseph Church, "Prosecutor?" Minulat ko ang mata ko at tumambad saakin ang pangit na mukha ni Dominic kaya naman pinikit ko nalang ulit ang mata ko.

"Sinabi ko naman kasi sayo na ang pangit mo." Narinig ko ang boses ni Timothy kaya alam kong ka-dadating lang nito. "Nahiya naman ako sayo!" Ganti na sagot ni Dominic minulat kong muli ang mata ko at tinignan sila nang masama, mag-sasalita pa sana ako nang may inabot saakin si Dominic.

"Coffee?" Ngumiti s'ya nang malapad saakin kaya naman kinuha ko nalang yung kape sa kamay nya at inayos ang pag-upo ko. Tumingin ako sa paligid nandito na din pala 'yung iba kaya lang may kanya -kanya silang ginagawa.

Maya-maya tumunog ang pintuan tanda na may pumasok bumalik naman si na Timothy at Dominic sa upuan nila dahil dumating na si Captain.

"Jiro and Zero kayo naman ang sumama saamin ngayong araw." Sumaludo silang dalawa at inayos ang kanilang mga gamit pati na din ang notebook na palagi nilang bitbit sinuot ko na ang aking Black coat at sinukbit ang dala kong shoulder bag.

"Key." Hinagis nito ang susi nang Team van at nakuha naman' yon ni Jiro pero mabilis na inagaw ni Dominic ang susi mula sa kamay ni Jiro. "I want to join."

"ARAY! GAGO!" Hinawakan ni Dominic ang ulo nitong binatukan ni Timothy lalong sumasakit ang sentido ko sa mga kilos nilang dalawa. "Madami na kami bakit ka pa sasama?" Tanong niya at inakbayan si Dominic tapos sabay silang naglakad patungo sa pintuan palabas.

"The more the merrier." Dominic

"Tanga! mukha kang reindeer." Timothy.

Nag-sasagutan sila ngunit  kahit medyo malayo na sila saamin naririnig ko parin ang bangayan nilang dalawa. Lumapit naman ako sa gawi ni Zee-o at sabay lang kaming naglakad palabas sa office nang Department One.

               [ SAINT JOSEPH CHURCH ]

Sabay-sabay kaming anim na pumasok sa loob nang simbahan sakto lamang ang dating namin dahil tapos na ang misa kaya wala na ding tao. May nakita akong isang madre kaya pumunta ako sa gawi nito at bumati nang magandang umaga. Sumunod na din silang lima saakin.

"Magandang umaga po may itatanong lang sana kami may ipapakita po muna ako." Kinuha ko ang litrato ni Michael Christ sa kamay ni Dominic ipinakita kay sister. "Oo naman Hija kilala namin 'yan." Sumilay ang ngiti sa labi nya at tinignan ako. "Ano bang meron?" Tinignan naman nya ang mga kasama ko kaya sinenyasan ko silang mag-bigay nang respeto halata kasing natakot si sister.

DEPARTMENT ONE ( THE CRIMINAL DIVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon