抖阴社区

CHAPTER 22 : THE BODIES.

1.5K 106 4
                                        

[ NOTE: ALL THE CHARACTERS IN THIS BOOK ARE FICTITIOUS THE DEPARTMENT ONE TEAM IS ALSO A FICTITIOUS CONCEPT. WHICH DOES NOT EXIST IN THE REAL POLICE FORCE. ]

                                

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                 .                                   SAYRA

Hinawakan ko ang aking ulo habang naghihintay nang update mula kay Luvienne na-raramdaman ko 'ring nag mamadali na s'ya sa ginagawa nya base sa galaw ng kanyang mga daliri. Ilang oras na lang ang natitira malapit na rin dumilim ang kapaligiran.

Sabay-sabay namang umangat ang ulo namin nang magsalita si Luvienne. "Naayos ko 'yung deleted post at nakita ko 'yung account  na nakausap ni Kaslana mukhang tama ang ulat ng kaibigan nya,  pang- babae ang account."

Sumandal ako sa upuan habang nag - iisip. "Check her messages tignan mo kung sinabi mismo ni kaslana ang address nya." May authority na utos ni Zee-o kay Luvienne.

"Binabasa ko na ngayon Captain, Binigay nya ang kanyang address pero hindi tama." Dahil sa sinabi nito kumunot ang aking noo. Kung mali ang binigay ni Kaslana na address bakit natunton ng salarin ang bahay nya hindi ba nag-takha si Kaslana.

"What does it mean? Alam na agad ng salarin ang bahay ni Kaslana?" Tanong ni Dominic. "Siguro nga tama ka pero hindi kilala ni Kaslana ang salarin."

Kinagat ko ang aking ibabang labi at tumingin sa relo ko. "Wala bang ibang way para makilala natin kung sino 'yung gumamit ng account?" Tanong ko kay Luvienne habang hawak ang Earpiece ko.

"Meron kaso matagal ang proseso. Lalo na kapag hindi approved ng FBI may iba silang systems na hindi natin sakop." Pumikit ako ng mariin dahil kailangan na namin malaman ang pangalan sa likod ng fake IP address ng owner ng bigla akong maalala.

"May dala ba kayong Laptop?"  Nakita ko naman na kinuha ni Dominic ang laptop mula sakanyang bag na itim kinuha ko 'yon at nilapag sa hita ko at binuksan  kinuha ko na rin ang salamin ko saaking bulsa na palagi kong bitbit sinuot ko ang salamin at tinuon ang mata sa screen ng Laptop.

I have no fucking choice to use again my secret skill.

"HALA! NAKAPASOK KA SA PRIVATE CYBER SECURITY NG POLICE AT FBI PROSECUTOR!" Tinakpan naman ni Timothy ang kanyang bibig dahil sa nakita ng kanilang mga mata.  Alam kong hindi rin sila ma-kapaniwala sa nakikita nila ngayon pero isang tao lang ang nanatiling kalmado it's Zee-o.

"Ang Talino mo." Bulong ni Dominic sa tabi ko.

                          [ TIME: 5:30 PM ]

Hindi naman ako basta-basta pumapasok sa mga private system's ginagamit ko lang ang kakayahan ko kapag kailangan. Dahil dati 'nung hindi pa ako Prosecutor pinagaralan ko ang ibat-ibang technique kung paano makapasok sa ganito pati na 'rin ang hacking pero ngayon ko nalang ulit magagawa dahil na sa peligro ang buhay ni kaslana.

Magaling ang system ng Cybersecurity Police dahil lahat ng links na gusto mong mahanap makikita mo agad ang may kakayahan lang talagang makapasok dito ay mga high ranking officials.

DEPARTMENT ONE ( THE CRIMINAL DIVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon