Alisha's POV
Nagising ako ng may kung sinong sumiksik sa leeg ko at tumatama ang mainit nitong hininga sa leeg ko na nakapagdudulot ng kiliti sakin.
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko ang asawa ko na parang batang nakasiksik sa mama niya hahaha ang cute lang niya. Super duper cute kasi at maamo ang mukha niya pagtulog pero para naman siyang leon na handa ng manakmal kapag gising.
Natatawa nalang ako sa mga naiisip ko at tumagilid ng higa kaya ngayon ay magkaharap na ang mukha namin ni Axel.
Pinasadahan ko ng hintuturo ko ang kanyang kilay pababa sa kanyang mga nakapikit na mata pababa sa kanyang matangos na ilong at ang huli ay sa mapupula niyang mga labi na ang sarap halikan hehe..
Dahil hindi ko napigilan ang sarili ko ay pinatakan ko siya ng halik sa labi at napangiti nalang ako ng hindi man lang ito nagising. Mukang pagod na pagod siya. Hindi ko na nga namalayan kung anong oras siyang naka-uwe dahil sa haba ng naitulog ko pero teka.. anong oras na nga ba?
Tumingin ako sa wall clock at 7am na pala ng umaga. Hala! Ganon ba talaga kahaba ng naitulog ko? Isang buong araw talaga?
"Good morning wife." Napatingin ako sa katabi ko at nakitang gising na ito at namumungay pa ang mga mata.
"Good morning too husband. Anong oras kaba naka-uwe? Ni hindi man lang kita namalayan na nakauwe kana pala." Nakangusong sabi ko. Mahina lang tumawa ang asawa ko at hinalikan ako sa labi pero smack lang naman.
"I just got home when i found out that your not feeling well. Are you okay now? Do you want me to call a doctor to check up on you?" Worried na tanong nito na inilingan ko lang.
"No need husband. Hindi ka ba papasok ngayon sa trabaho mo?" Tanong ko at babangon na sana pero mas hinigpitan lang niya ang pagyapos sa bewang ko pero he make sure naman na hindi maiipit si baby.
"Later but for now let's sleep wife." Anito at sumiksik ulit sa leeg ko.
"Eh hindi na ko inaantok saka baka malate ka sa trabaho mo kaya bumangon na tayo." Sabi ko pero hindi naman ako pinansin nito at nag tulog tulogan lang kaya wala na kong nagawa kundi ang matulog ulit.
Nagising ako na wala na ang katabi ko aish hindi na naman ako ginising psh.
Bumangon ako at pumasok sa banyo to do my morning routine. Madali lang naman akong natapos sa pagligo kaya lumabas na ko at nagbihis.
After that ay umupo ako sa harap ng vanity table at sinuklay ang buhok ko saka naglagay ng pulbo at liptint. Nang matapos ako ay lumabas na ko ng kwarto at bumaba saka pumunta sa dinning room.
Nakita ko sina Mila at Maya na nag hahanda na ng pagkain sa mesa.
"Good morning ma'am." Sabay na bati ng dalawa nang makita ako.
"Umalis na ba si Axel?" Tanong ko at naupo.
"Opo ma'am, kanina pa po umalis si sir." Sagot ni Mila, i just nod my head saka nagsimulang magsandok ng pagkain.
Hindi naman ako nagtagal sa pagkain dahil ang gatas at cookies lang talaga ang nilantakan ko dahil ito ang pinag lilihian ko. Mukang magiging hilig ng anak ko ang gatas at cookies hehe.
"Yow Alisha!" Napatingin sa pintuan ng makitang pumasok si Gail. Kakalabas ko lang kasi ng dinning room dahil kakatapos ko lang kumain tas pumasok naman itong si Gail.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang hinihintay siyang makalapit sakin.
"Binibisita kayo ng inaanak ko." Nakangiting asong sabi nito. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"And who told you na magiging ninong ka ng anak ko?" Mataray na sabi ko at nameywang sa harap niya. Humawak naman siya banda sa puso niya na akala mo e nasasaktan tss.
"Aray naman Alisha, nakakasakit ka ng damdamin ah. Hindi mo ba alam na swerte ang anak mo dahil magkakaninong siya ng kasing pogi ko." Aniya at nag pogi sign e. Inirapan ko naman siya at tinalikuran. Baliw na e baka mahawa pa ang anak ko.
"Oy san ka pupunta? Tanggap mo na na magiging ninong pogi ako ng anak mo." Umirap ako sa kawalan at humarap sakanya habang naka taas ang kilay ko.
"In your dreams duh! And for your information hindi ka pogi pero kung sabagay libre lang pala ang mangarap so take your time Gail." Nakangising sabi ko at tinalikuran na siya. Alam ko naman ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko e, i told you he's crazy hahaha..
"Oy hindi lang basta pangarap yon dahil talaga namang pogi ako! Hoy Alisha!" Huling sigaw niya na nadinig ko bago ako tuluyang pumanhik sa taas at pumasok sa room namin ni Axel.
Camille's POV
"So what are you planning to do now Cams? Mukang wala ka ng pag asa kay Gray." I glared at Nina who said that.
"Shut up! Hindi ako papayag na mapunta siya sa babaeng yon kung kailangan ko siyang alisin sa landas ni Axel gagawin ko." Galit na sabi ko at binato ang huling piraso ng kunai na hawak ko.
"How can you do that? That Alisha girl is protected by Gray's men and for sure no one can go near her ng hindi nalalaman ni Gray."
"Kung hindi ko mapapalayo si Axel sa babaeng yon pwes ang babaeng yon mismo ang lalayo kay Axel and in that way hindi ako ang lalabas na may kasalanan kung bakit sila naghiwalay. Is my idea brilliant?" Nakangising sabi ko at nagsalin ng wine sa baso saka ininom ito.
"Your so genius talaga Cams. So when do you plan to ruin them and how?" Excited na sabi ni Nina.
"Sooner the better."

BINABASA MO ANG
I Married the Cold Hearted Billionaire ??
RomanceNormal lang naman ang buhay ko noon. Focus on my business, hang out with friends and bonding with my lolo. NOT until nalaman ko na ikakasal na pala ko. Ang dating nananahimik kong puso ay bigla nalang umingay at nagwala. I am Alisha Mae Santos and i...