抖阴社区

Chapter 46

2K 21 0
                                        

Axel's POV

"Mukang nagsisimula na silang kumilos. Ano ng plano natin boss?" Tanong ni Ramirez. They're my friend but when we are in work they address me as Boss.

"Still the same. But i changed your assign work that you need to do. Ramirez, you are the one who keep your eyes on my wife. Make sure that no danger comes to her and if you find any suspicious tell me immediately. I know that by this time they're already know that my wife is my weakness and we have a child and i'm sure that they will take this chance to use my wife and my unborn child para mapasunod ako sa mga gusto nila and i won't let that happen. I can't risk my wife and unborn child's life." Seryosong sabi ko habang pinaglalaruan ang maliit na kutsilyo sa kamay ko.

"I understand." Ramirez reply. I nod my head at bumaling kay Santilyan.

"Santilyan i command you to know their next move, bantayan mo ang bawat kilos nila at sabihin mo agad sakin kung may matuklasan kana. With your playful trick i know you can do it but make sure that no one will know about your doing."

"Areglado boss." Aniya at sumaludo pa. Bumaling naman ako kay Lee na ngayon ay nakatingin din sakin.

"And you Lee, start giving a hard training to our mens. Make them stronger as long as they can. Ready all our mens for the upcoming battle." Sabi ko at tumango lang ito.

We discuss some matters and its about the coronation that will be held 1 month from now and we need to make sure that no one will interfere in the ceremony of the coronation.

After naming mag-usap ay nagkanya kanya na kami ng alis sa hide out dahil sisimulan na namin ang plano at ako naman ay papasok na sa trabaho dahil medyo marami akong gagawin ngayon.

Sumakay na ko sa kotse ko at nag drive na paalis sa hide out namin..

Alisha's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto namin at nakaharap sa laptop. Nakiki update lang naman ako kay Linda kung ano ng update sa restaurant kung maayos naman ito and she replied naman na maayos ang pagpapatakbo niya ng restaurant habang wala ako.

Matagal pa kasi bago ako makabalik since gusto ni Axel na saka nalang ako babalik sa trabaho once i gave birth to our baby at hindi na ko umayaw since parang pahinga ko na din ito at ayoko namang irisk ang buhay ng baby ko dahil sa stress na makukuha ko kapag nagtrabaho ako sa restaurant.

Malapit nading mag 2 months ang pag bubuntis ko and so far so good naman ay maayos naman ang daloy ng pagbu buntis ko. Hindi din naman ako mapili sa mga kinakain ko as long as may gatas and cookies ayos na sakin.

Nang magsawa kaka scroll sa laptop ay pinatay ko na ito at nilagay sa bed side table saka humiga.

Wala na naman kasi dito si Axel at yong tatlo lang ang kasama ko na nasa baba at hindi ko alam kung anong ginagawa tss.

Tok! Tok! Tok!

Bumangon ako ng higa at tumayo saka binuksan ang pintuan since naka lock ito. Bumungad sakin si Mila na may dalang gatas and cookies as usual kaya pinapasok ko.

"Heto na po ang gatas at cookies mo ma'am. Bagong bake lang po to kaya mainit init pa." Sabi niya bago inilapag ang dalang tray sa mini glass table.

"Thank you." Pasalamat ko. Tumango lang ito at nagpaalam na at lumabas.

Umupo naman ako sa couch kaharap lang ang mini glass table saka nagsimulang kainin ang dala ni Mila.
Kain lang ako ng kain ng bumukas ang pinto at pumasok si Kaious.

"Hi?" Takang tanong ko dito. This is the first time kasi na pumasok siya sa kwarto naming mag-asawa at wala namang masama don since i treat him like my elder brother.

"Your eating that again." That is not a question but a statement and he's referring to my cookies and milk na lagi ko namang kinakain.

"What wrong with that? E sa ito ang gusto namin ni baby." Nakangusong sabi ko at uminom ng gatas.

"Wala namang mali don hahaha.." napailing nalang ako kasi minsan ay nagiging baliw din ang isang to. Sabagay baka sa tagal na nilang magkakaibigan ay nahawa na din siya ng kabaliwan don sa dalawa.

"Nga pala nasan na yong dalawa?" I ask at kumagat sa huling piraso ng cookies na hawak ko.

"They're gone. May pinapagawa pa kasi sakanila si Gray kaya hindi sila pwedeng magtagal dito." Napa Ahh nalang ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita.

A few moments later ay naubos ko na din ang laman ng tray. Si Kaious na din ang nagpresent na magdala ng tray.

Tumayo naman ako at pumunta sa terrace ng kwarto namin. Maganda kasi ang sikat ng araw ngayon at mabuti din naman na magpasikat tayo sa araw lalo na at umaga palang.

Hindi din naman masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw dahil sabi ko nga maaga palang at dagdag energy din ang sikat ng araw sa umaga pero ibang usapan na kapag hapon na hahaha..

Hindi naman ako nagtagal sa terrace at agad din akong pumasok sa kwarto. Wala parin si Kaious mukhang hindi na ata babalik kaya humiga nalang ako sa kama at natulog.

Someone's POV

Palinga linga ako sa paligid para masiguradong walang tao dahil mahirap na kapag may nakakita sakin tiyak akong kamatayan ang kahahantungan ko kapag nalaman nila na traydor ako at isang espiya mula sa kalaban nilang organisasyon.

Nang masigurado kong walang ibang tao ay madali akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Sure naman akong hindi ako makikita ng tatlong yon na ang tinutukoy ko ang mga kaibigan at magagaling na tauhan ni Axel Gray Carter.

Lakad takbo na halos ang ginagawa ko para makarating sa kwarto ng mag asawa at pasalamat ko nalang na walang pagala-galang kasambahay ang nandito sa palapag na ito.

Nang makarating ako sa harap ng pintuan ng master's bedroom ay pina kinggan ko muna kung may ingay ba na nagmumula sa loob at napangisi nalang ako nang wala akong marinig. Hindi naman kasi soundproof itong kwarto kaya maririnig ko kung may ingay ba na nagmumula sa loob.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang natutulog na si Mrs.Carter. pumasok ako at nilock ang pinto para kahit may makahalata man ay hindi nila basta bastang mabubuksan ang pinto.

Dahan dahan lang ang ginawa kong paghakbang palapit sa kinaroroonan ng kama para hindi maalimpungatan si mrs.Carter. nang tuluyan na kong makalapit sa kama ay inilabas ko na ang kutsilyo dala ko.

It is a knife na ang organisasyon namin mismo ang gumawa kaya may nakaukit dito na simbilo, isang bungo na may nakatarak na kutsilyo ang simbolo ng aming organisasyon.

Nakangising tumingin ako kay mrs.Carter na hindi manlang naalimpungatan. Tss magtataka paba ko e nilagyan ko nga pala ng pampatulog ang kinain niya kanina.

Dahan dahan kong itinaas ang kutsilyong hawak ko at handa nang itarak sa babaeng mahimbing na natutulog ngayon sa kama.

"Goodbye and see you in hell, mrs. Carter."

I Married the Cold Hearted Billionaire ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon