抖阴社区

PROLOGUE

15 9 0
                                    

Baby

Katatapos lng naming mag haponan Ng aking Asawa,saglit akong nagpaalam dito upang magpahangin Sa labas.Mahigit dalawang taon na kaming mag-asawa ni Javier ngunit Hanggang ngaun ay Hindi parin kami binibiyayaan Ng anak,Gabi-gabi akong nagdarasal na Sana ay bigyan kami Ng munting anghel.

Umupo Ako Sa buhangin at tumitig Sa napakaganda at kalmadong alon Ng dagat Sa dalampasigan.
Nag hihintay Ng wishing star nag babakasakaling Sa pagkakataong ito ay dinggin Ng panginoon Ang hiling ko.ipinikit ko Ang aking mga mata upang langhapin at damdamin Ang sariwa at malamig na hanging dumadampi Sa balat ko.

Mga ilang saglit pa ay nakarinig ako Ng mga yapak na papalapit Sa kinaroroonan ko,Nanatili akong nakapikit at hinintay Ang susunod na magyayari. . .papalapit Ng papalapit Ang yapak kaya agad akong napamulat at akmang lilingon Sa likod nang may Isang malapad na kamay ang biglang bumalot Sa mga mata ko.Iritabli Kong tinanggal iyon at tiningnan sya Ng masama tumawa lamang ito at umupo Sa tabi ko.niyakap Ako nito Mula Sa likod at bahagyang dinampian Ng mga maliliit na halik Ang leeg ko... Ilang Oras din kaming Nanatili Sa ganoong   posisyon ni Javier.
Nakaupo at kukwentohan lng kami habang nakatingala Sa langit.

May iilang shooting star kaming nakikita. Panay ang wish ko sa bawat shootingstar na bumababa.tuwang tuwang ako habang tinuturo ang mga nabubuo kong constellation sa langit.
Ilang saglit pa ay may isang meteor ulit na lumabas. Kakaiba kompara sa mga nauna.masyado itong maliwanag.masyado rin itong malaki, tila dalawang star ang pinagsama para mabuo iyon.

Lumiwanag ang buong sea shore,kasabay ng kabilogan ng bwan ay makikita mo rin ang reflection nito sa bawat hampas ng alon sa dalampasigan.

Pakurba ang anggulo nito na pa Salungat sa hangin
Nang galing ito sa kanang bahagi ng isla patungo sa kaliwang bahagi nito.

Napatayo Ako at sinundan nalang ito tingin,hanggang Sa hindi ko na ito maaninag pa.

Biglang lumamig na ang simoy ng hangin Kaya nag aya Nang pumasok sa loob si   Javier. Nakakailang hakbang pa lang kami Nang may narinig akong kakaiba,

“Narinig mo yon?”..nagugulohang tanong ko sa kanya habang pinakikiramdaman ang paligid.

“What?”.balik nyang tanong sakin.

Hindi malinaw sakin kung ano talaga ang naririnig ko,kaya bumitaw Ako Sa pag kakahawak Ng kamay namin at lumingon-lingon Sa mga Puno Sa paligid.

“Wh----”

“Shhhhss.”.agap ko Sa kanya nang sinubakan nitong mag salita.
Tahimik na Ang paligid tanging mga kaluskos nalang ng mga hayop ang naririnig ko.

“Baby?what is it???”

“i-it's Nothing...”Balisa nyang sagot sa asawa at nag simula na sa paglalakad.

Palayo na sila ng palayo sa dalampasigan nang marinig nya ulit ang kakaibang tunong na iyon.

Agad siyang natigilan at muling iniharap ang sarili sa dalampasigan.inilibot nya ang paningin sa buong paligid.
Nang narinig nya ulit ito ay agad syang nag lakad ng mabilis pa balik sa dalampasigan.

“Lenaaa...” Sigaw ng asawa nito at agad syang hinabol.

Takbo, lakad ang ginawa ni Elena para mas madali syang makarating sa dalampasigan.
Para syang may naiwalang importanting bagay at balisa nyang hinahanap ang bagay na iyon doon.

“What that Hell,lena.what's happening to you? Huh baby?” Masuyo pero Madiin na pag kakasabi ng asawa nito sa kanya.at mabilis ma sinapo ang mukha nito

“J-jav....vier...“ Hindi makapag salita ng maayos si lena dahil nag simula Nang mag-unahan ang mga luha nya sa pagbagsak.

“Fvck!! W-what...why???.” Agad na sinalo ni Javier ang luha ng asawa.

“Baby? What's happening huh? Are you okay?? Why are you crying, did I do something wrong hmmmm?.”.Agad na umiling si Elena bilang sagot.

“Then, why? Hmmmm?”

“I-it's.... I-it's....”

"It's what??"

"B-baby.... It's...i-it's a b-baby."

"Baby? What baby?...."

"Javier may b-baby may umiyak na baby." Natataranta nyang usal sa asawa.

Pumikit ng mariin si Javier habang pinapakinggan ang nanginginig na boses ng asawa.

"Lena, guni-guni mo l----"

"Noo!!!it's not a Hallucination, please. Javier. Help me....hanapin natin ung baby..".nanginginig na sigaw nya sa Asawa.

“Shhh... Ok, ok let's go”.

Hawak ni Javier ang kamay ko ng mahigpit habang dahan-dahan naming binabagtas ang Daan papasok sa kakahuyan. Madilim ang daan at tanging ilaw lamang ng cellphone ang gamit namin.

Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Javier. Mabagal ang bawat hakbang namin habang pinakikiramdamang mabuti ang paligid.

Tanging kaluskos ng mga dahon at iba't-ibang Huni ng kung ano sa paligid lamang ang naririnig namin.
Tumigil ako sa paglalakad nang muling marinig ang iyak.

Habang lumalayo kami sa pinanggalingan ay mas lalong lumalakas ang naririnig kong pag-iyak.

“Javier, ung iyak... Malapit lng un dito”. Humiwalay ako kay Javier at lumapit sa parting sa palagay ko ay pinanggagaling ang boses.

“lenaa. Come back here”. Nilingon ko ang naka lahad nyang kamay bago sya tingnan.

“Wai----- Ahhhhhhhhhh~

Bumagsak ako sa lupa nang tila hinampas ng bolo ang ankle ko. Naunang bumagsak ang likod ko ka sabay non ang malakas na sigaw ni Javier.

Dahan-dahan akong bumangon at hinawakan ang paa ko. Dumilim ang buong paligid nang aksidenting matapon nito ang hawak na cellphone Mabilis nya akong dinaluhan at tanging sinag na lamang ng buwan na nanggagaling sa mga siwang ng mga dahon sa itaas ang nag sisilbing liwanag namin.

“A-are you o-kay?”. Hindi ako sumagot dahil sa tindi ng sakit.

“she*t, Umalis na tayo rito”.

Akmang bubuhatin ako nito nang bilang nagsiliparan ang mga tuyong dahon sa lupa ka sabay non ay ang pag labas ng isang liwanag na nagpaalingawngaw sa isang sigaw.




🍵
Tsaa ka muna.





                



Meteor's Secret (AI Series #1) Where stories live. Discover now