抖阴社区

KABANATA 4

6 3 0
                                    

Ghost

“Ano na namang kaisipan ang bumabagabag diyan?” Tinulak nito ang noo ko.

Palipad-lipad ito paikot sa ulo ko. Matamlay ko siya nilingon at sinimangutan. Humaba rin tuloy ang nguso niya.

“Ano na naman ba iyan?” Matamlay niyang tanong tsaka dumapo sa balikat. Umupo siya roon.

Napabuntong hininga ako.

“Ang dami kong iniisip, Fay!” Pinaglaruan niya ang buhok ko.

“Hahanapin ko siya.” Disidido kong sambit. Taas noo ko siyang nilingon.

Napakurap siya at umawang ang labing nag-angat ng tingin sa akin.

“S-sino, Luna?” Nahimigan ko ang kunting pag-asa sa tuno nito ngunit mas nangingibabaw ang takot na bumakas sa gulat niyang mukha. Napa-angat ako ng kilay.

“Yung Multo?” Patanong kong sagot at pinilig ang ulo.

“M-multo?” Paninigurado niya.

“Oo. Multo.” Tango ko.

Saglit siyang natulala at mariing napapikit.
Kinalabit ko siya. Nag-angat siya ng tingin sa'kin.

“Bakit takot ka din sa multo?” Tanong ko dito.

Nanatili siyang nakatingala sa akin.

“Tsk. Hindi pa naman sigurado iyon.” Bulong ko.

Umalis siya sa balikat ko at lumapag sa kama. Umupo siya roon at pinaglaruan ang kamay niya.

“Hahanapin ko pa siya...” Tumitig siya sa akin.

“Ano ang iyong ibig sabihin,Luna?” Kuryusong tanong nito.

Nag-kibit balikat ako.

“Hahanapin ko siya. Hindi ako mapapanatag hangga't Hindi ko iyon napapatunayan.”

“Papatunayan ang ano?” Matalim ko siyang tiningnan.

“Na multo nga siya.” Hasik ko.

“Sino ba iyan—

“That's what I want to know.” Ngisi ko.

“P-paanong...?” Bakas sa mukha nito ang pagkalito.

“Look, Fay.” Umayos ako ng posisyon.

“May nakita akong lalaki sa puno ng Acacia, Ilang metro ang layo mula sa Soccer field ng school...” Titig na titig siya sa'kin. Napangisi ako.

“Nalingat lang ako saglit. Then. That's it!” binagsak ko ang kamay ko sa kama.

“He disappeared!” Pinandilatan ko siya ng mata.

“A-anong...Ano bang anyo?” Tanong nito ngunit nasa labas ang tingin.

“Anong anyo?” Inis kong tanong.

“Ayong tubig? Anyong lupa? Lamang dagat-lamang lupa?” Naguguluhang kong sagot habang kibit balikat at naka lahad ang mga kamay sa ere.

Sinamaan niya ako tingin.

“Lamang lupa ako, Luna.” Simangot niya.

Natawa ako. “Oo nga pala. Nakalimutan kong kabuti ka!” Halakhak ko.

Mas lalo siyang sumimangot.

“Iyon ba ang nais mong sabihin...?” Tanong ko nang may napagtanto. Nag-angat siya ng tingin sa'kin.

“Kung ka-uri mo siya?” Dagdag ko at nag-taas ng kilay.

Then, She suddenly turn paled.

“Fay!” Lumamig ang boses ko. Nanatili siya tulala sa kama. Pinapakalma ang sarili.

Meteor's Secret (AI Series #1) Where stories live. Discover now