Alas onse na nang gabi ako nakauwi kaya ngayon ay parang sinagasaan ang buo kong katawan but I still need to get up. Calculus pa naman ang first subject ko. Puyat na Puyat ako dahil nang makarating ako sa apartment ay kailangan ko pang gumawa ng presentation namin dahil deadline pala ngayong umaga at ipeplay ito sa online class namin ngayong hapon.
"Puyat ka na naman." Puna ni Jinky nang makaupo ako sa upuan ko. Hindi ko nga namalayan nakarating na pala ako rito.
"Dahil sa presentation, ang tagal niyong sinend eh." Ani ko naman at tinawanan lang ako ng kaibigan ko. Nakikipagchikahan na muli siya kila Cly. Sasali na sana ako nang makita kong pumasok na si Miss Cruz. We still have 10 minutes before the class. Ang aga naman niya.
Our eyes met pero pasimple niya akong inirapan kaya nanahimik na lang ako. My classmates greeted her at ako ay tahimik lang dito sa sulok. Wala rin talaga akong gana pa para magsalita. Na guilty tuloy ako nang magtama ang paningin namin dahil nalimutan kong magdala ng pasalubong dahil sa kakamadali ko.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Angel. Nakangisi pa itong tumingin sa amin.
"Oi, may date kaya kahapon no? Hindi kayo active sa gc." Malakas na sabi ni Angel mukhang hindi niya napansin na nandito si Miss. Sinenyasan ko siyang tignan ang nasa harapan namin at tatawa-tawa ako sa reaksyon niya parang nakakita ng multo. Umupo agad siya at sumiksik pa sa akin para magtago sa kahihiyan niya.
"Prepare for a quiz, I will assess if may natutunan ba talaga kayo sa discussion natin." Her voice were like thunder na nakapagpagulat sa amin kaya dali-dali kaming kumuha ng short bondpaper.
She wrote lots of equation in the white board buti na lang may stock knowledge pa akong natitira. She gave us an hour to answer it and I made sure na correct yung mga answers ko for atleast 50%. At nang matapos akong sumagot ay may tatlumpong minuto pa kaya naman pinatong ko ang ulo ko sa lamesa at iidlip na lang muna.
But because I can sense that someone is watching me ay hindi talaga ako makaidlip kaya nakapikit lang ako. Gustong-gusto ko nang matulog pero parang hindi ako makaktulog nito. I know she is staring at me.
I looked up at nagtama muli ang aming mga mata but she just gave me a maldita look kaya naman hinayaan ko na lang siya. Ano bang problema ng propesorang ito? Same sila ng equation e, ang hirap intindihin.
Humikab-hikab akong lumabas ng room kasama ang mga kaibigan ko. Diretso uwi raw sila kaya hindi muna kami gagala. Our class this afternoon was tiresome dahil pinagdebate pa kami ni Sir. Hilig talaga sa debate si Sir.
Pagkalabas namin ng campus ay isa-isa kaming nagpaalam at naghiwalay na ng landas dahil iba ibang ruta naman ang jeep namin kaya hindi kami pareho ng waiting spot.
Pumara na ako ng bus at nagbayad agad dahil ayokong makalimot magbayad dahil nangyari na iyon sa akin dati. Nakakahiya talaga.
"Para po" ani ko ng nasa three sixty pharmacy malapit sa capitol dumaan ang jeep. Tumawid na ako sa daan para makapasok na roon sa café na paborito ko. Café Library is one of the best café I've ever been to. Dahil may library sila at may mga mini rooms din kung saan pwede kang makatulog at makapagbasa.
I went to the counter and ordered the usual food I order here everytime na nandito ako. Pumunta na ako sa pinakasulok na room. I put my bag in the side at humiga. I need to sleep. Kailangan ko talagang bumawi ng pahinga dahil baka lalagnatin ako walang mag-aalaga sa akin.
Pero bago pa ako makaidlip ay dumating na yung order ko. I think I'll be eating first then sleep. Matapos kong kumain ay linigpit ko na ito at bumalik sa pagkakahiga.
I woke up feeling satisfied sa tulog ko. I saw the time and its already 7pm kaya naman lumabas na ako ng room para umalis. Malapit lang ito sa apartment ko. Just a 10 minute ride kaya agad akong nakarating sa building ng apartment but I saw a familiar car na naka park sa parking lot. That could not be.
Agad-agad akong pumunta sa taas and there I saw my calculus professor sitting in the hallway of my floor.
"Miss, what are you doing here?" Shock is evident in my voice at nabigla rin siya sa pagdating ko kaya nabitawan niya ang librong hawak niya. Every floor ay may cabinet compartments at may books ito roon siguro niya kinuha ang librong binabasa niya dahil pamilyar ito sa akin.
"I was waiting for you." She simply said nang makabawi sa pagkagulat. I sighed. It is not that I don't wanna be friends with her but it is kinda annoying to be around with her all the time especially that she is my professor but I don't have the heart to tell her that.
"Why Miss?" I pulled myself together trying to hide my pissed face. Ayokong mangbastos ng professor. Pero kakagising ko lang at wala talaga ako sa tamang timpla.
"I just wanted to know how was your vacation." Napabuntong hininga na lang ako nang marinig iyon. Why is she this clingy kung kakakilala pa lang namin?
"It was good Miss." Walang buhay kong saad at pumasok na sa apartment ko at sumunod naman siya.
"I don't get it why you are so nice to me pero sa ibang estudyante ay hindi naman. You act cold and aloof when you are with them tapos ngayon you will barged in here like we are some sorts of an old friend. Miss why are you doing this?" Hindi ko mapigilang magtanong. I am tired today at parang Nawala ako sa mood nang makita siya. Hindi kaya ng ganda niya para pawiin ang pagod ko.
"I don't know either." She answered and gave one last look and turned her back and stormed out. Hindi ko narin ito sinundan. I don't know why but I am a bit moody today. Gusto ko na lang manghampas ng mga tao. I sighed and lay on my bed. Bukas na lang ako kakain dahil pagod na pagod na ako sa buhay ko.
Morning came and I can feel pain in my back, and cramps. It is the day of the month kaya naman tumayo na agad ako baka mamantsahan ko pa yung sheets ng bed ko. May klase ako ngayong 10:30 kaya naman mag-aalmusal na muna ako bago pumasok. Baka himatayin ako sa daan. Paika-ika akong naglakad papuntang kusina para maghanda. I hate periods.
At 10 sharp ay nakarating na ako rito sa room wala ako niisang pinansin sa mga kaklase ko. I am in a bad mood. Dahil siguro sa period ko. I hate it. Hindi ako comfortable talaga kapag may period. Ang sticky sa pakiramdam.
Kalahating oras ang dumaan ay pumasok na ang prof ko at nagdiscuss. It is an Understanding the Self na subject. I boringly listen kahit wala namang pumapasok sa utak ko. This subject is more on case analysis kaya easy lang naman.
The hours feels so long buti na lang ay patapos na si Maam. Gutom ako pero nagcecrave ako ng seafood. Dahil wala namang pasok ngayong hapon ay I made a mental note to go to SM para doon kumain.
Lumabas na si Maam kaya lumabas narin agad ako. Pababa na ako ng building namin nang makita ko si Miss na pababa rin sa hagdan. I greeted her but she didn't even glance at me. Mukhang sa isang daan lang kami pupunta kaya naman ay sinabayan ko na ang paglakad niya. I felt bad kagabi sa sinabi ko sa kaniya. That was rude. And maybe I was rude because of my period but it still wasn't right.
"Miss I am hungry." Simula ko ng usapan but she just have this straight face at sa daan lang nakatingin. I want to apologize to her for my rude behavior last night but I don't really know how.
"What has that to do with me?" Her tone of voice ay mahihimigan talaga nang kamalditahan.
"I want seafood." Ani ko naman.
"I own a seafood restaurant but that doesn't mean dito mo sa akin hihingiin ang seafood Miss Alba. Go buy it somewhere." Binilisan niya ang lakad niya at sumunod naman ako.
"Do you want to have lunch with me Miss?" I asked hopefully she will accept my invitation. She stopped walking ang turned around to face me.
"Fine wait me in my car." Then she left and I went to an opposite direction to go in the parking lot at hinanap ko ang sasakyan niya.

BINABASA MO ANG
Implicit of x^2+y^2=9
RomanceA mathematician teacher and a statistician student. Will their love be as complicated like math problems? Will it be hard for them to get the correct solution of their problems? Or it will be easy since they are used to solving complicated ones? Th...