抖阴社区

01

37 3 2
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction brought by the author's imaginations. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are only used in a fictitious manner.


The characters' names should, and must never be, used in addressing the portrayer in real life—as well as connecting their actions towards the scenes inside the book. This story is not affiliated with ENHYPEN and its company.

----------

"This is where you're staying in. Be careful not to destroy anything."


Ilang oras din ang binyahe namin bago nakalapag ng Japan. Kinailangan kasi ng kompanya na magsama ng walong casino employees para sa gaganaping evaluation ng branch expansion. 


Halos mag-unahan kami sa pagpasok sa loob ng apartment na ipinahiram sa amin ng isa sa direktor ng kompanya, si Mr. Takizawa. Isa lang siya sa mangilan-ngilan naming kilalang may mataas na posisyon sa Fujioka. Ang miyembro kasi halos ng executives at board ay hindi na inaabalang ipaalam pa sa amin dahil sa malabo naman namin silang makasalamuha.


Hindi gaya kanina, pwede na kaming mag-ingay at mag-usap sa kahit anong paraan namin gustuhin. Nakakahiya naman kasing sumigaw sa labas, parang aabot sa kabilang bansa ang boses sa sobrang tahimik ng paligid. Susme!


"Wohooo! Heaven! What's up, vlog! Welcome to my guys!" Sigaw ni Czed, angat-angat ang phone sa kamay at kinukuhanan ng video ang bawat sulok ng lugar.


"Luh? Parang ewan," masungit na sabi ni Shin.


Sumimangot si Czed at binatukan ito. "Luh? Parang tatay ko," inikot niya ang mata niya.


Hiwalay ang kwarto namin mula sa mga lalaki. Tatlo ang kwarto ngunit iyong isa ay nandoon banda malapit sa pintuan, malayo sa amin. Hindi ko alam kung bakit pinagbawalan kaming pumaso doon.


Masyadong malawak ang apartment, hindi gaya sa karamihan sa mga nakita ko na sa Pilipinas. Everything was in touch of white, ash black, and wooden brown. May kanya-kanyang sofa at TV ang mga kwarto, bukod pa sa nasa sala. At dahil nasa 48th floor kami, tanaw na tanaw namin ang malawak na lugar ng Tokyo.


"May isang check na naman sa bucket list ko!" Sigaw ni Kate habang parang batang nakadapa sa malamig na sahig.


"Nauna na akong nagpost sa IG, ah!" Tumatawa si Cass na selfie nang selfie kahit sa ultimong pader na nananahimik sa gilid.


"Wow! Pati 'yung unan, parang mamahalin!" Si Aki, yakap-yakap ang malalambot na unan sa sofa. 


"Pahiram!" Inagaw ni Czed ang throw pillow at tinitigan. "Hindi ba nila malalaman kung isisiksik ko 'to sa maleta ko?"


"Ugok! Ako mag-uuwi nito, uy!"


"Hati na lang tayo!"


Nagsimula na silang mag-agawan ng unan habang nasa kusina lang ako, may hawak na tubig at tahimik na nanonood. Minsan ay nakikitawa naman ako tuwing nag-aaway sila sa kung ano. Tumigil lang ang asaran ng lahat nang hilain ni Shin ang mga lalaki papasok sa kwarto.

Escapade in the ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon