抖阴社区

02

24 2 0
                                    

"Uy 'sis, balita ko umuwi na raw ng Pilipinas 'yung anak ni Mr. Yamazaki."

Pumunta ako sa harap ng salamin sa tabi ni Maxine para gawin ang make-up ko. Nagkaroon ng dealer rotation sa casino pero nasa swing shift pa rin naman ako. Ewan ko nga kung bakit ako lang ang natira sa schedule ko sa dami namin. 'Yung iba, kung hindi nasa day shift, nasa overnight naman.

"Oh? Sa'n mo nabalitaan?" Tanong ko nang makapaglagay ng lipstick.

Hindi ko naman na kailangang mag make-up dahil ayos na sa 'kin ang itsura ko. Naglalagay lang ako ng light para mas maging presentable sa area at hindi maging oily ang mukha ko doon. Metikuloso pa man din ang ibang mga guests, lalo na iyong mga mayayaman.

"Kay Shin. Narinig niya raw sa usapan ng dalawang board nung inutusan siya sa Mino,"

"Tsismoso rin pala ang isang 'yon," tumawa ako.

Halos lahat ng members ng board of directors, may dugong Japanese. Depende rin kung anong half sila pero madalas ay puro. Lagi silang nag-uusap sa lenggwahe nila tuwing nandito kaya hindi namin naiintindihan. Hay, buti pa si Shin! May lahi siyang Japanese, eh. 

"Bilisan mo na diyan, malapit nang mag roll call. Mauuna na 'ko sa labas, ha," paalam niya sa 'kin at umalis na.

Tinapos ko na kaagad ang make-up ko at tinago ang kit sa locker. Muntik pa akong mapatid sa pagmamadali dahil male-late na. Tumabi ako kay Czed na panay na naman ang ngiti.

Lahat ng nakasama ko sa evaluation sa Japan, inilipat sa shift ko. Pare-pareho rin ang araw ng day off namin kaya tuwang tuwa kami. Naging malapit kasi kami ng sobra sa tatlong araw ng pananatili namin doon.

"Okay, all in. Work hard, everyone! Stay awake! Remember to always get a break," pinirmahan ni Mr. Jimenez ang sheet atsaka na umalis.

Sabay-sabay na ulit kaming naglalakad papunta sa casino area. Unang araw ng rotation ngayon kaya susubukan pa ng iba kung kaya nilang magtrabaho hanggang alas kwatro ng umaga. Syempre maliban sa 'kin kasi sanay na ako.

"'Uy, alam mo ba, excited ako," siniko ako ni Czed.

"Bakit?" Bulong ko habang nakangiti.

"Maraming chicks 'pag ganitong oras, 'di ba?"

Pasimple akong umismid. "Mali. Maraming mainit ang ulo ng ganitong shift,"

"Weh?" Nataranta ako nang humarap siya sa 'kin kaya tinulak ko kaagad ang mukha niya palayo.

"Gago. 'Wag kang malikot diyan,"

Paano, nakabantay sa 'min 'yung mga pit boss. Mababawasan kami ng puntos kung liliko ang ulo namin kahit kaunti lang. Madadamay pa 'yung kausap. Buti na lang ay hindi nila nakita si Czed. Dapat kasi ay nakangiti lang kami sa harapan kahit wala pa kami sa casino para mapansin agad kami ng mga nadadaanang tao.

Nagkahiwalay na kaming lahat at pumwesto sa kanya-kanyang station. Marami-rami ang tao ngayon dahil Sabado. Lumipat sa Miyerkules ang day off ko dahil isa ako sa napili ni Mr. Jimenez na kaya ang busy days.

Umayos kaagad ako ng upo para magbalasa ng cards. Lumapit rin ang floorman sa table ko para maglagay ng ashtrays at drinks.

"Galingan mo, Gabbi. Malalaki maglaro 'yung mga natawag ko para sa table mo," bulong sa 'kin ni Zack.

Labing-walo ang tables sa pit kung nasaan ang pwesto ko. Tig-aanim ang blackjack, crap at roulette. Iyong iba kasing table games ay nasa baba na o sa VIP.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

? Huling update: Nov 29, 2021 ?

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Escapade in the ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon