Wade
It's already 11 am, tulog pa ang mga kasama ko at ako nalang ang gising. Si Asher ay mahimbing na rin ang tulog sa kama, sa lapag din ulit ang dalawa na wala nang pakialam dahil sa pagod.
Humalik muna ako sa pisngi ni Asher. Nakatulog siya habang nakayakap ulit ako sa kaniya. Pakiramdam ko nga ay masasanay ako na yumakap-yakap sa kaniya at sana ay gan'on din siya sa'kin.
He didn't say anything about our topic earlier. Hindi ko na rin siya pinakialaman pa dahil buhay niya iyon. I won't force him. Siya mismo ang hihintayin ko kapag handa na siyang maging open sa'kin.
I decided to cook for our lunch. After this ay matutulog naman ako, nagpapaantok lang. Nasanay kasi ako na kapag galing byahe, kahit anong pagod ay hindi ako natutulog kaagad. Parang mas buhay pa nga ako kahit pagod na pagod na.
Naghihiwa ako ng mga gulay na isasahog sa nilagang baboy habang hinihintay na maluto ang kanin at lumambot ang karne. Magp-prito rin ako ng isda. Maramihan na ang niluto ko dahil marami rin kami, hindi rin naman magpapahuli sa pagkain ang mga boys.
Humigop pa ako sa kape na itinimpla ko. Malamig pa rin talaga pero sakto lang naman. Ganitong temperatura ang masarap tulugan dahil presko at hindi ka maiirita.
“What are you doing?" Napatigil ako sa ginagawa at napataas ng tingin. Nakasandal si Asher sa pinto ng kusina habang nakatingin sa'kin at sa ginagawa ko. Magulo pa ang buhok niya at inaantok pa ang mga mata habang suot ang salamin niya.
Ngumiti naman ako. “Good afternoon. I'm cooking for our lunch." Lumapit naman siya sa'kin. “Can't sleep?" Tanong ko. Natutulog naman siya noong iniwan ko siya para magluto.
Tumango siya sa'kin. “I.. I felt that you're not besides me. I can't sleep anymore." Pag-amin niya habang nakatingin sa hinihiwa kong repolyo.
“You can't sleep without my presence?" Natahimik ito at hindi sumagot. Nilalagay lang niya ang mga nahiwa ko ng gulay sa isang lalagyan. Napangisi naman ako dahil doon. Is he already comfortable with me? Hindi na rin niya ako tinataboy at binabara.
Hindi na ako nagtanong sa kaniya dahil mukhang hindi na rin naman siya sasagot. Naghugas ako ng kamay pagkatapos mahiwa ang lahat.
“Milk?" Tumango siya sa'kin kaya ginawan ko muna siya ng gatas bago bumalik sa pagluluto. Inuna ko na ang pagp-prito ng isda habang hindi pa lumalambot ng tuluyan ang karne.
“How about you?" Naupo ako sa tabi niya habang hinihintay na maluto ang isang side ng isda bago ibaliktad.
“Mmh?"
“You won't sleep?"
“Later, after cooking. Can you join me?" Malalim siyang napatingin sa'kin. Ngumiti lang ako sa kaniya at inayos ang kulot niyang buhok. Hinayaan lang naman niya ako habang hindi inaalis ang tingin niya sa akin.
“I saw Marvin." Bahagya akong napahinto at tumitig din sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin? Palagi naman niyang nakikita si Marvin ah? “Last night, Carson. I saw Marvin staring at us. He's probably shock and maybe he just think that he's really drunk to the point that he's already seeing weird things." Pag-amin niya.
Huminga ako ng malalim bago sumagot sa kaniya. “I already know, Asher. Inamin niya kaninang umaga that he saw us." Marahan kong ani. “And he's not seeing weird things, Asher. Doing that is not a weird thing, that's normal."
Tumango siya sa'kin bago uminom sa itinimpla kong gatas. “Continue cooking, Carson. I'll watch you." Napangiti naman ako roon at itinuloy ang pagluluto. There's really something about him. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba sa dibdib ko sa tuwing pinapakita niyang may pakialam siya sa'kin. He's really different.

YOU ARE READING
Under His Game ( Under Series # 1 )
RomanceWade Carson, the Basketball Team Captain and Asher Everrette, the older brother of Wade's friend.