Wade
Friday, the championship game. The atmosphere inside the gym is filled with anticipation and excitement. The teams are warming up on the court, each player focused and determined to give their best performance. Sino bang papayag na matalo? Today is the championship, dito malalaman kung sino talaga ang magaling.
The bleachers are filling up as fans arrive to support their favorite teams, chatting and cheering loudly. Iba't-ibang University ang nandito para sumuporta. Naghahalo ang asul, berde, dilaw, at pula. Maingay ang paligid dahil sa mga nag-uusap at nagc-cheer na kaagad. Napatingin din ako sa bleachers kung nasaan si coach at katabi nitong muli sila Asher at Vince. Nando'n din si Cheddery. Nagulat nalang kami kanina noong may yumakap sa'kin at bumungad si Cheddery na kasama si Terrence. Ang sabi niya ay saktong umuwi siya rito kaya makakapanood siya ng game. Hindi na rin mabigat ang tensiyon sa pagitan nila ni Asher, mukhang nawala na ang selos ni Asher dito. Ngumiti ako sa kanila na sinuklian din nila. Asher's also wearing our couple shirt and bracelet, ang sa akin ay mamaya ko na susuutin. Tumango ako bago ibinalik ang tingin sa court kung nasaan kami.
Nasa bleachers din ang mga girls, puwera nalang kila Ellise at Chiara, may laro ang dalawang 'yon. Susubukan naman daw nilang humabol upang makapanood.
The sound of sneakers squeaking on the court and balls bouncing provide a constant, exhilarating soundtrack. As the time ticks away, the tension in the air grows palpable, and everyone is gearing up for an intense game. Malawak din ang ngisi ni Scian na may bangas pa sa mukha. Ayos, ah? Nagsuntukan yata sila ni Marvin.
“Green Phoenix!" Mabilis kaming lumapit kay coach. Seryoso ito habang nakatingin sa'min. We're really eager to win this game. Coaches and team staff are also offering last-minute advice and encouraging words to the players. Pinapalakas nila ang loob namin. Malaki ang tiwala sa'min ni coach kaya hindi namin siya puwedeng biguin.
“Malaki ang tiwala ko sa inyong lahat. Huwag na huwag kayong magpapa-apekto sa kabilang team ano man ang sabihin nila. Silvano," tumingin ito kay Marvin na kanina pa gigil na lumaro. “Huwag mong papatulan si Scian. Mas mabuti ng sila ang mapahiya sa pag-amba nila, kaysa ikaw." Tumango naman ito. Bumaling ang paningin sa'min isa-isa ni coach hanggang sa huminto ito sa'kin. “You're our Ace, Carson. Ibigay mo ang best mo, alalayan ang team mo. Maraming nakasuporta sa'tin at huwag niyong bibiguin iyon." Tinapik nito ang balikat namin. Napangiti naman kami at tumango kay coach.
“Yes, coach!"
“We will do our best!"
“Sure na 'to, coach!"
Ngumiti siya. Hinintay pa namin ang announcement bago sila tumapak muli sa court. Hindi ako kasama sa unang game, sa 2nd quarter ako at gan'on din ang Captain ng kabilang team na kanina pa tumitingin sa'kin at ngumingisi. Ibinabalik ko ang ngisi sa kaniya. Type ba niya ako? Hindi imposible. Napailing nalang ako sa naiisip at tumabi kay Asher. Ngumiti siya sa'kin kaya kinurot ko ang pisngi nito, mabilis na napalitan ang ngiti nito at naging masamang tingin na. Si Cheddery naman ay nasa tabi ni Vince at kinakausap ito habang may itinuturo sa court.
“Ladies and gentlemen! Let us all welcome The Elite Squad! The Team who's determined to win!" The announcer 1. Umingay ang crowd dahil doon, they're also cheering for that Team. Mayayabang na pumasok ang Team na iyon. Kung anong ugali ng Captain nila ay gan'on din sila. Nakangisi naman ang mga kaibigan ko. Katabi ko rin si Marvin na mamaya pa lalaro.
“Ladies and Gentlemen! Let us also welcome The Green Phoenix! The undefeated Team!" Mas umingay ang paligid noong pumasok na ang Team namin. Kumakaway pa si Matteo habang malawak ang ngisi ni Marcus. Napansin ko pa ang pagtingin ni Matteo sa crowd na mukhang may hinahanap. Si Terrence naman ay tumingin pa sa'min, nag thumbs up kami na nginitian niya. Kanina pa ganado ang isang 'to. Nabanggit din niya na darating ang inuuwian niya sa Baguio pero hindi naman pinakilala sa'min.

YOU ARE READING
Under His Game ( Under Series # 1 )
RomanceWade Carson, the Basketball Team Captain and Asher Everrette, the older brother of Wade's friend.