抖阴社区

Chapter #13

23.6K 374 20
                                        


Senna's P.O.V

Marahan kong isinara ang pinto pagkapasok ko. Maingat din ang pagkakahakbang ko patungo sa kama namin habang dala ko ang isang tray kung saan nasa ibabaw nito ang dalawang glass of milk ng kambal ko.

Napangiti naman ako dahil agad na isinara ng kambal ang kanilang binabasang libro at sabay itong itinabi.

"Thank you, mommy/mom!" sabay na pasalamat nila pagkatapos nilang makuha ang kanilang sariling glass of milk.

Nakangiting pinapanood ko sila habang inuubos nila ang laman ng kanilang hawak na baso.

Ang naunang makaubos ay si Zayan. Ibinigay niya sa akin ang kaniyang baso, pagkatapos ay nagpasalamat siya ulit. Hindi nagtagal ay ganoon din ang ginawa ni Sayner. Pareho silang binigyan ng tissue saka sabay na inilapag ko sa ibabaw ng tray ang dalawang baso.

Sandali ko itong itinabi at humarap sa mga anak ko.

"Can we talk?" I asked politely.

"Of course, mommy!" Sayner quickly replied.

Sumampa at tumungo ako sa ibabaw, sa gitnang parte ng kama. Sabay na umayos ng upo sa tapat ko and kambal.

"What are we going to talk about, mom?" Zayan asked.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Sabay na kinuha ko ang kanilang tig-isang kamay.

"Alam natin na ilang weeks na lang is pasukan ni'yo na ulit." panimula ko.

Sabay silang tumango bilang tugon.

"That's why gusto ko sanang malaman at itanong kung homeschool pa rin ba ang gusto ni'yo, or gusto ni'yo ng pumasok sa real school?" saad ko,

Sabay na nakalingonan ang dalawa sa isa't isa.

"Whatever you want. Whatever your decisions, I'll accept and respect that." pahabol ko.

Tumingin muli sa akin ang dalawa.

"Honestly, mom, we would like you to talk about it too." Zayan politely stated.

"Kuya and I talked about it, and we both decided to enroll in a real school this time." sambit naman ni Sayner.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Sayner.

"Really?" hindi makapaniwalang saad ko.

Nakaramdam ako ng excitement for the both of them. Finally! They decided to go outside.

"We got a list na nga po ng mga elementary school na magandang pasukan." patuloy na sambit ni Sayner.

Binitiwan ko ang kamay ni Sayner dahil mukhang mayr'on siyang kukunin.

"Be careful," mahinang paalala ko kay Sayner habang bumaba siya ng kama.

Mabilis siyang tumungo sa kaniyang study table at kinuha ang kaniyang Ipad, pagkatapos ay bumalik kaagad siya sa inuupuan niya sabay lahad sa akin ng kan'yang Ipad. Kinuha ko naman ito tiningnan.

"Noble Sky Elementary School?" basa ko sa nakalagay na school name.

I slide the screen pakaliwa. A picture of the school appeared.

"Iyan po ang school na napili po namin ni Kuya. That school is the best on the list. They teach well there." Sayner explained.

Nagpatuloy ako sa pag-slides ng mga pictures. Malawak at maganda ang school. Sa lawak nga nito ay parang hindi maliliit na bata ang papasok sa paaralan.

Sinuri kong mabuti ang nasa picture.

Malinis nang mabuti ang kanilang cafeteria. Maayos din ang kanilang mga classrooms.

Taming The Mother of My Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon