抖阴社区

Chapter #19

21.7K 360 35
                                        

Zayaner P.O.V

Nang hindi ko na makita si Senna ay wala sa sarili akong napatingin sa pintong nasa harapan ko.

I nervously gulped.

I never been so scared like this, and what worst is, ang kahaharapin ko lang ay mga bata, but not just a simple kids because they are my children. Mga anak kong hindi ko nakasama sa loob ng maraming taon.

Hinawakan ko ang doorknob saka dahan-dahang pinihit para buksan ang pinto. Pumikit ako at humugot nang malalim na hininga bago tuluyan binuksan ang pinto at pumasok.

Unang dumapo ang tingin ko sa kama, at naroon sila nakaupo, naghihintay.

I secretly gulped again when their gaze came to me. Isinara ko muli ang pinto ng hindi naglilikha ng ingay. Hindi mapakaling humakbang ako patungo sa harapan nila.

Pareho silang nakatingin sa akin. One of them looked at me with his innocent gaze, while the other one looked at me intently, watching my every move, and if I make one mistake, I am dead. 

The three of us stared at each other. Namamanghang nakatingin ako sa mga batang kaharap ko. Kahit na hindi na ako magpa-DNA test sa kanila. Hindi na rin ito kailangan pa.

Sa mukha pa lang nila ay akin sila. They were my carbon copies when I was the same age as them. 

Bukod pa sa kamukha ko sila, alam na alam kong ako lang ang lalaking nakaangkin kay Senna. I was her first the night we made them.

I was so fucking lucky that I became their father, but I am an idiot to leave them. Even I, myself, don't deserve to be their father. 

Hindi ko alam kung kanino ako unang hihingi ng tawad. Sa kanila ba muna, or sa kanilang ina. Sa tuwing susubukan kong humakbang para maabot sila, pero sa tuwing naalala ko ang mga ginawa ko sa kanila, nababahag ang buntot ko at napapatigil ako.

Tinatanong ko ang sarili ko kung may karapatan pa ba ako sa kanila? Kung karapat-dapat pa ba ako sa kanila?

Tahimik lang kaming tatlo na nanatiling magkakaharap. Walang nagtatangkang magsalita sa amin. Gusto kong magsalita pero ayaw bumuka ng bibig ko.

Isa lang ang tanging gusto kong gawin ngayon. Marahang kumilos ang mga tuhod ko para lumuhod sa harapan nila para humingi ng tawad.

"I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit kong bigkas sa kanila.

Hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa kanila. Alam kong paulit-ulit ko mang sabihin ang mga katagang I'm sorry, hindi nito mapapawi ang mga nagawa ko.

Hindi ko napigilang hindi bumuhos ang mga luha ko habang humihingi ng tawad sa kanila. Kahit marami akong gustong sabihin sa kanila ay tanging paghingi lang ng tawad ang nababanggit ko. Wala rin akong paki kung umiiyak ako sa harapan ng mga anak ko.

Ang mapatawad nila ako at matanggap ay isang malaking bagay na sa akin. Lahat gagawin ko para makasama sila. Iyon lang din ang aking tanging hinihiling sa buhay ko.

"Come on! Stop saying sorry na po." Napalingon ako sa isa sa kanila. Hindi ko napansin na bumaba si Sayner at lumapit sa akin.

"Tayo ko na rin po riyan. Hindi naman po kami santo para luhuran ni'yo po. At hindi rin po kami ang dapat mong hingi-an ng tawad." kunot-noong wika niya sa akin ngunit naroon pa rin ang pagiging magalang niya.

Pinatatayo niya ako na marahan ko namang ginawa. Pinunasan ko ang aking mga luha.

"We don't hate you." Napabaling ang tingin ko kay Zayan na nanatiling nakaupo sa kama.

Taming The Mother of My Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon