抖阴社区

Chapter 20

25 0 0
                                        

Ashrielle's POV

"Napa'no nga kasi 'yan, Jen?" Pangungulit ulit ni Claire kay Jenny na tinatanong kung napa'no 'yung kamay niya, tumawa kami ni Alex dahil mukhang naaasar na si Claire. Kaninang pagkarating namin ay kinulit niya agad si Jenny tungkol sa kamay niya pero iniiba ni Jen ang topic para asarin siya.

"Ano'ng gusto mong kainin?" Pag-iiba ulit ni Jen sa topic kaya natawa ako.

"Ha!" Singhal ni Claire kaya natawa kami. Kahit papaano ay nalilibang na si Claire dahil mukha siyang depressed kanina no'ng pagkarating namin, sinisisi niya nang paulit-ulit 'yung sarili niya at umiyak agad siya no'ng nakita niya kami. "Sige ha, wag mong sabihin." Nagbabanta na ang tinig niya.

"Bakit naman kasi conern na conern ka sa 'kin?" Pang aasar ni Jen.

"Tanga." Sagot ni Claire at umayos ng upo. "Gusto ko lang batiin 'yung gumawa sa 'yo n'yan."

"Hindi ka na lang umamin na sobrang concern ka sa 'kin."

"Ha! Bakit naman ako magiging concern sa 'yo?"

"Aba s'yempre, ako na 'to eh oh." Napaawang na lang ang mga labi ni Claire at nananawang tumitig kay Jen dahil sa sinabi niya kaya naman napailing ako habang tumatawa. Kahit kailan talaga 'tong dalawang 'to.

Tumayo ako kaya napalingon silang tatlo sa 'kin at nagtatakang tumitig. "I'll check on Zy." Paalam ko at ngumiti.

"I'll come with you." Sabi ni Alex, tiningnan ko siya at nakitang nag-aalala siya.

Natawa ako at umiling. "I'll be okay, I promise."

"Are you sure?" Paninigurado niya pa.

"P'wede namang samahan ka namin, Ash." Sabat ni Jen, nilingon ko si Claire nang marinig ko ang singhal niya at natawa ako nang makita ang itsura niya.

"Ah so ano'ng ganap ko rito? Epal lang gano'n?" Natawa kami dahil bumalik na ulit 'yung pagiging oa niya.

"Ay nand'yan ka pa pala." Pang aasar ni Jen.

"Ay kausap ba kita?" Ganti ni Claire.

"Kinakausap mo na 'ko."

"Epal ka eh 'no." Aniya at umirap. "Tara na nga, gusto kong makita si Zy eh."

"Kaya mo bang maglakad, pilay?" Pang aasar ulit ni Jen.

"Baka may wheelchair 'no?" Sarkastikong sagot ni Claire.

"Wala na raw eh, ginamit na ng ibang pasyente."

"Alex oh!" Sumbong ni Claire kay Alex pero tumawa lang si Alex. "Ha!" Singhal niya na naman. "Kapag ako ang nagsusumbong, tinatawanan mo lang pero pag si Zy..." Pambibitin niya at sumeryoso ang mukha. "Stop it Jen." Tumawa kami ni Jen habang si Alex ay napabuntong hininga at napahilot sa sentido niya.

"Inggit ka ba?" Tumatawang tanong ni Jen.

"You're not Zy, of course I wouldn't do anything." Prangkang sagot ni Alex kaya mas natawa kami ni Jen habang si Claire ay hindi makapaniwalang tumitig kay Alex.

"Tara na nga!" Naiinis na anyaya ni Claire.

"Oh sige, kukuha lang ako ng wheelchair." Natatawang paalam ni Jen at tumayo, lumabas siya ng kwarto at maya-maya'y bumalik nang may dalang wheelchair kaya naman inalalayan namin si Claire na umupo roon.

"Itulak mo ako alipin." Utos ni Claire kay Jen.

"Ihulog kita sa hagdanan eh." Pagbabanta ni Jen kaya natawa kami, lumabas kami ng kwarto at naglakad papunta sa ICU habang si Jen ay tulak-tulak si Claire. Nakita namin si Harvey sa labas ng kwarto ni Zy kaya lumapit ako roon.

Ride Or Die ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon