抖阴社区

Chapter 30

20 0 0
                                        

Ashrielle's POV


Mag-iisang linggo na ang nakalipas pagkatapos noong pagsabog. Linggo ngayon at sinabihan ako ni tita na papunta na raw si Zy rito sa condo namin dahil bukas ay pwede na siyang pumasok. Nandito ako ngayon sa living room at nanonood ng kdrama sa Netflix. Mula rin noong araw na 'yon ay hindi na'ko pinansin ni Zy dahil sa away namin. Sinusuyo ko siya pero hindi niya talaga ako pinapansin.

Napabuntong hininga ako at sumandal sa sofa. "Damn it. She should talk to me later." Kunot noong sabi ko. "Sabay kaming papasok at uuwi bukas, alam kong magkakabati na kami." Tumatangong dagdag ko.

Kahapon ay nakauwi na rin si Alex mula sa ospital kaya paniguradong makakapasok na rin siya bukas. "Yes. Complete kami bukas." Nakangiting sabi ko at puman-dekwatro.

Buti nga ay pinansin na'ko ni Cle noong araw na umaga kami natulog. Pagkagising kasi namin non ay sinundo na kami ng mga parents namin at umuwi sa kaniya-kaniya naming mga condo at bahay.

Napatingin ako sa phone ko nang bigla 'tong tumunog. Kinuha ko 'yon mula sa coffee table at binuksan. "Oh." Napangiti ako nang mabasa ang message ni Denver. Yes. Nagkakausap kami ngayon sa IG.

"What's up, beautiful?" Bati niya sa'kin.

Nakangiti akong nagtipa sa phone ko. "I'm kinda bored." Reply ko at binalik ulit ang phone sa coffee table. Agad ko rin kinuha ulit 'yon nang tumunog.

"Wanna hang out?" Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakangiti nang mabasa ang message niya. What? Why the hell am I smiling?

"Sure. Just send me the address." Nang mai-send ko 'yon ay agad kong pinatay ang TV at tumayo.

Pumunta ako sa kwarto ko at dumeretso sa bathroom para maligo. "I'm not excited, am I?" Tanong ko sa sarili ko at natigilan. "Yeah. I'm just... Well, uhm... Right. I just want some fresh air. Yeah." Tumatangong sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Naligo na'ko at habang naglalagay ng shampoo sa palad ko ay nag-iimagine ako kung anong mangyayari sa date namin. "Wait. Is it a date? Or no? He just wants to hang out with me? Does he like me? We're just friends, right?" Hindi ko napansin na naparami na ang paglagay ko ng shampoo sa palad ko kaya tumulo 'yon sa sahig. "Oh, shoot." Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagligo.

Nang matapos ako ay dumeretso ako sa sink at kinuha ang toothbrush ko, nilagyan ko 'yon ng toothpaste at sinimulang mag-toothbrush. "Hmm. Hmmmm. Hmmm hmm hmm hmmmmm." Natigilan ako nang mapansin ko ang ginagawa ko. "Why the fuck am I humming?!" Nagugulat na tanong ko at agad tinapos ang pag-toothbrush.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at sumeryoso. "This is not a date, Ash. Stay cool, alright?" Tumango ako at pinunasan ang bibig ko. Lumabas ako ng bathroom at pumunta sa walk-in closet ko. Naglakad ako papasok at nilibot ang paningin ko para maghanap ng susuotin. Huminto ang paningin ko sa isang black sleeveless dress that has a halter neckline. Agad kong kinuha 'yon at isinuot. "Why do I look so pretty?" Nakangiting tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang sarili ko sa malaking salamin. Pinagpatuloy ko ang pagbibihis ko hanggang sa matapos at sinimulang mag make-up. Pagkatapos non ay nag-spray ako ng perfume bago tiningnan ulit ang kabuuan ko sa malaking salamin.

I'm now wearing a sleek black sleeveless dress with a crossed halter neckline, fitted bodice, and a flattering A-line skirt, paired with bright red pointed-toe heels and a black clutch bag adorned with a tassel. "Damn." Nasabi ko na lang habang nakatitig sa sarili ko. Lumabas na'ko ng kwarto at dumeretso sa living room para tingnan ang phone ko.

"I'm on my way." Paalam ko nang mabasa ang address na sinend niya.

"I'm here." Nanlaki ang mga mata ko sa reply niya.

"Shit." Napatakbo ako pabalik sa kwarto ko at kinuha ang susi ng kotse ko sa nightstand. Pinaayos na nila Mom at Dad ang kotse ko noong araw din ng pagsabog kaya naman nagamit ko rin kaagad. I mean, kahapon. Kahapon lang pala 'to dinala rito sa condo building.

Ride Or Die ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon