抖阴社区

Chapter 19

68.4K 2.5K 2K
                                        



to those i met yesterday,
thank you so much :") my heart feels warm because of you.

#####
Chapter 19

You can't blame me for avoiding love as early as I can remember. Love ruined the most important person in my life. Love wrecked the places that I romanticized to live in. Love made me feel that it was a safe zone. . .until it's the place that made me feel fear the most. 

It was like a tunnel that's dark and long. . .it's scary for me. My mother always bravely went inside the tunnel—only to return as wounded and broken as before.

I'd rather avoid that path even if it means I won't experience love. It was as if I was taking sugar off from my life, I don't need the sweetness of love. And even if I crave for it, I'd rather chained myself to the idea that it would only hurt me in the long haul.

"Ziah ko!" Ryker hugged me from behind as my thoughts strayed away from my reality.

"Ano?" Kumunot ang noo ko sa kan'ya. Nagluluto ako ng hapunan dahil ginawang tambayan ni Ryker ang bahay namin. Tuwing uwian ay hinahatid n'ya ako tapos gabi na siya umuuwi sa condo n'ya, minsan pa nga ay sa kwarto ko nakikitulog.

Mama didn't even make Ryker's life hard, binigyan n'ya pa ng duplicate keys ang loko. Hinilamos ko na lang ang kamay ko sa aking mukha. Para akong nakikipaglaro ng bahay-bahayan sa kanilang tatlo. Si Ryzi rin kasi ay ang ingay kapag di bumibisita si Ryker.

Ryker and I never had sex in our house. Siguro dahil kahit gaano ka-comfortable sa kan'ya si Mama ay ayaw naman n'yang maging abuso. Sa lahat din ng ex ko ay kay Ryker lang naging comfortable talaga si Mama. I couldn't blame her because even I can attest how much he showed respect towards my mother. Hindi rin pumupunta si Ryker sa bahay ng walang dalang kahit ano. Madalas na nagmumukhang bakery ang bahay dahil ang daming tinapay.

"Ano ulam?" tanong ni Ryker habang sinisilip ang niluluto ko. "May sinaing na ba? Gusto mo ba ako na mag-saing?"

"Marunong ka?" Awtomatikong lumingon ako upang magtaas ng kilay sa kan'ya. I didn't expect that Ryker would know because he seldomly served rice in his condo. Sa pagkakatanda ko nga ay minsan lang kami magluto roon at kadalasan ay hindi naman heavy meal.

"Oo kaya!" Ryker looked at me, his eyes turning to slits. "Magsaing lang eh."

"Baka nga helpers n'yo ang gumagawa ng mga gawain sa bahay," saad ko.

Ilang minutong naging tahimik si Ryker bago tumikhim. "No'ng bata ako, wala naman kaming helpers."

"Edi Mama mo?"

"Nagtatrabaho habang nagaaral si Mama n'on," sagot ni Ryker. "Kaya ako ang inaasahan nila na magluto."

Hinanap na n'ya yung lalagyan ng bigas. Kinuha n'ya ang pangtakal at hinanap ang lutuan. May rice cooker kami kaya naman hindi na n'ya kailangan na sa mismong kaldero magsaing.

"Ikaw rin ba nag-alaga sa kapatid mo?" Unti-unting humina ang boses ko nang mapagtantuan na seryoso siyang nagkukwento sa akin.

Tumango siya at nagtakal ng dalawang beses bago pumunta sa lababo upang hugasan ang bigas.

"Iniisip ko kasi no'n na kung kukuha pa kami ng helpers, edi lalong kailangan magtrabaho ni Mama saka ni Papa. They were working nine-to-five, tapos dalawa pa yung trabaho. Umuuwi lang sila para matulog nang kaunti at maligo tapos trabaho ulit."

"Nagbunga naman iyong sakripisyo nila. . .you live comfortably now," sabi ko at pinatay yung kalan.

"Oo. . .siguro?" Daliri lang ang ginamit ni Ryker upang i-check kung tama ang measurement ng tubig sa bigas. "Pero alam mo yun? Takot na kami bumalik sa dating buhay na mayroon kami. Para bang kapag nagpahinga kami, baka mawala yung pinagpaguran nila?"

If Only You Loved Me | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon