WARNING: Slightly explicit content#####
Chapter 37
"S-sorry!" I immediately bowed my head in shame. Pinilit kong isantabi ang imahe ng katawan n'ya sa utak ko—but how unfair it was to have a good looking face and a body like that? Ang tone eh!
"It's o-okay. . ." Narinig ko ang bahagyang pagpasok n'ya muli sa kan'yang comfort room. "Bakit ka pala pumasok dito? May nangyari ba?"
"Y-yes," I nodded. "Someone was trying to go to our room. Siguro ako na hindi si Ate Rita or Ate Ailene iyon. Both of them are already asleep. . ."
Kaya sino?
"We can ask the security," aniya. "Hindi naman basta-bastang makakapasok dito ang mga tao nang walang login. You can sit on the bed if you want, magbibihis lang ako," his voice reverberated through the walls of the comfort room.
Tumango naman ako at sinunod ang habilin n'ya. A part of me feels safer that there's someone near me. Kung noon ay mas gugustuhin ko ang maging mapag-isa, ngayon ay natututo na ako humingi ng kalinga ng iba. But I wished it was someone that I was close with, hindi naman kasi kami masyado naguusap ni Kuya Jahiel.
Lumabas si Kuya Jahiel ng banyo na medyo basa pa rin ang buhok. Nakatitig siya sa akin habang pinapasadahan ng tuwalya ang kan'yang buhok.
"Gusto mo bang ihatid kita sa kwarto n'yo? We should at least check on them as well," sabi n'ya habang patuloy ang pagpapatuyo sa buhok.
"Sana," I nodded then quickly went off from the bed. "Sorry po talaga sa abala.
Ngumiti si Kuya Jahiel. "Never naman naging abala. . .pero siguro next time ay kumatok ka muna? Nakakagulat kasi," Halakhak n'ya.
Napakamot na lang ako sa aking batok. Kung ibang tao ito, baka kanina pa ako sinigawan o kaya ipinahiya. I was lucky that it was Kuya Jahiel.
Lumipas ang ilang minuto at nagdesisyon na rin kami lumabas ng kwarto. I was skeptical at first because the person might still be there. Baka kung ano ang gawin n'ya. . .she was able to harm both my mother and Ryzi! She was dangerous. Hindi dapat siya pinapabayaan na pagala-gala ngayon. But we still need more proof that it's her.
Mahinang kumatok si Kuya Jahiel sa room kung saan kami naka-stay in ni Ate Rita. Agad naman itong binuksan nung babaeng naka-hoodie. My eyes widened as my heart raced as fast as it can, sa puntong iyon ay di ko alam kung ano ang una kong gagawin. Aatake ba ako sa kan'ya? O tatakbo?
Tumikhim si Kuya Jahiel upang pangunahan ang nararamdaman kong takot. The woman was unfamiliar and I didn't think that it would be her. Hindi ko siya kilala at mukhang hindi rin naman n'ya ako namumukhaan!
"Ate Nimfa," tawa ni Kuya Jahiel. "Tinakot mo naman itong kasama nila. Hindi ka pa ba nagpapakilala kay Ziah?"
Ate Nimfa, the woman in a hoodie, started to laugh. "Hala? Pasensya ka na, neng! Ang lamig kasi! Kaya naka-jacket ako. Lumipat din ako sa kwarto nila Ailene pansamantala dahil hindi ko mahinaan ang aircon ng kwarto namin. Natakot ba kita?"
Namutla ako at agad na umiling. "Pasensya na po! Hindi naman po kayo nakakatakot. Matatakutin lang po talaga ako."
I tried to at least make my excuse believable. Nakakahiya naman kasi talaga na pinagdudahan ko siya. Mukha naman siyang disente. Siguro ay nanguna lang talaga ang maligalig kong pagiisip. Sinubukan kong maglagay ng munting ngiti sa labi ko.
Ate Nimfa smiled back. "Pasensya ka na ah? At mukhang naistorbo mo pa ang jowa mo sa pagligo n'ya?"
Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ko. Mula sa higaan ay napabangon si Ate Ailene at Ate Rita. Pareho silang nakapantulog na. Akala ko ay tulog na sila pero mukhang masarap ang kanilang kwentuhan dahil hanggang ngayon ay dilat pa rin ang kanilang mga mata. They were wearing creepy smiles on their faces as if they caught us red-handed.

BINABASA MO ANG
If Only You Loved Me | ?
ChickLiterps series #2 complete [unedited] If only you loved me; maybe our fate would have become better and maybe the pain would have become worth it. Princess Aziah "Ziah" Florencio doesn't believe in being attached to the concept of love and she had give...