抖阴社区

XIII: PRACTICE

10.5K 414 85
                                        

CHAPTER 13

Practice

Kailey Rae

"1.2.3...ikot! 4.5.6...pose." hinahabol ko ang hininga ko na ngumiti sa baklang nasa harap ko, "Again! sobrang pangit."

Napabuntong hininga ako sa sobrang pagod. Kanina pa kami alas syete ng umaga nag papractice at hindi ko padin makuha ang tamang posture ng katawan ko, ang sakit na din ng paa ko sa pag suot ng six inches na heels, this is so painful.

Napaupo ako sa sahig at binagsak ang katawan sa sobrang pagod, basang basa na ang likod ko sa pawis at nanginginig na din ang paa ko dahil sa pamamanhid.

"Bakit ka umupo? from the top!" sinigawan ako ng kinuhang trainor ng department para sa akin, nanlulumo akong sinuporta ang aking kamay upang maka tayo at kumuha ng lakas.

Pwede ba magpahinga muna? hindi ko na kaya.

Tumayo na ako at paika ika na bumalik sa dulo. Nasa harapan ko ang isang malaking salamin na sakop lahat ng parte ng dance room, vacant ko kasi buong araw at sabi ng mga staff ng school ay mag practice ako during my free time, wala akong choice kung hindi dumiretso dito at ayaw ko din naman na ma disappoint ang lahat sa kabila ng suporta at pag tiwala nila sakin.

Nandito na 'to eh, gagawin ko nalang ang best ko.

Nilagay ko na ang mag kabilang kamay ko sa aking bewang at tinignan ang itsura ko sa salamin, ngumiti ako ng malawak at inayos ang tindig ko.

"Go! 1, 2, 3, lakad! 4, 5, 6, stop! 7, 8, 9, ikot!... ano ba yan!" sinigawan ako nito nang matumba ako sa sahig habang umiikot ako, kanina ko pa 'to pina practice at hindi ko alam paano ba hindi matumba kapag iikot, nawawalan kasi lagi ako ng balanse.

"Kanina pa tayo dito Rae, simpleng ikot lang hindi mo magawa?!" muli ako sinigawan ng baklang ito at onti onti na din namumuo ang mga luha sa mata ko.

Ginagawa ko naman ang lahat, kasalanan ko ba na kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga kaya?

Yumuko ako at nanatili na naka upo sa sahig, pinipigilan ko na 'wag umiyak at baka masira ang practice ngayong araw. Tinignan ko din ang paa ko at nagsimula na ito dumugo sa bandang parte ng likod.

Shit! ang malas naman.

"Go! from the---" tumigil ito sa pag sigaw nang bumukas ang pinto at niluwa nito ang dalawang babaeng propesor.

Iniwas ko ang tingin ko at pinahidan ang butil ng luha sa aking pisnge na dumaloy, gawin niyo lang kasi ang lahat sakin wag lang yung sigawan.

"What's happening here?" I heard the serious voice of Ma'am Zsanira's asking my trainor what just happened.

Nanatili lamang ako na nakatingin sa sahig at pinipigilan na 'wag umiyak, ramdam ko naman ang pag lapit sa akin ni Ma'am Kael at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"What happened sweetie? you okay?" nagaalala na tanong nito at pina upo ako sa isang bench sa gilid.

Tumango ako sa kanya at tinignan ang dumudugo ko na paa, grabe ang hapdi.

"Ay! wala po ito Ms. Sevilla, hindi lang siya sanay sa heels kaya ganyan hehe." tinignan ko ang aking propesor na kunot noo na tinitigan ang bakla, mukhang hindi naniniwala sa sinabi niya.

"How long are you practicing?"muli niya na tanong sa bakla at ang isa ay nag isip pa talaga.

"Mga nasa apat na oras na Ms. Sevilla, grabe no ang galing ko? ganyan talaga ako pag gusto ko na maayos dapat ang performance ng mga--."

Take me Professor(GXG) Where stories live. Discover now