Chapter 41
Impressed
Kailey Rae
Pauwi na ako at tapos na ang reunion namin ng mga kaklase ko. Hindi ako masyado nag-enjoy kasi yung isip ko nasa bahay lang at sa sinabi ni Zsanira kanina. Malamang ay tinuruan na naman ng magaling at makulit kong kapatid yung isa.
Minsan talaga nalilito na ako kasi may mga oras na napaka-seryoso ni Zsanira, minsan malamig, tapos madalas ay mapang-asar. Hindi ko alam kung ano na namang trip niya ngayon at bakit naisipan pa talaga na dito muna pansamantala.
"Nay! Dito na po ako," tawag ko kay Nanay na ngayon ay nagwawalis sa harap ng bahay, sa bakuran namin.
Tinaas naman niya ang kamay niya at tinanggap ko naman 'yon para magmano.
"Mabuti at maaga kang nakauwi.""Hindi kasi ako mapakali eh," palusot ko.
"Oh, bakit pinipigilan mo 'yang ngiti mo? May nangyari ba kanina?" nagtatakang tanong ni Nanay.
Napansin ata niya na iba yung aura ko ngayon. Kahit ako rin ay hindi mapalagay sa kung anong ginawa kanina, gusto ko na lang umuwi.
Umiling-iling ako kay Nanay at nagpaalam sa kanya papasok ng bahay. Tinignan ko ang oras sa relo ko at mag-aalas kwatro pa lang pala ng hapon.
"Kie?" tawag ko sa kapatid ko kasi hindi ko sila mahagilap kanina pa.
Pumunta ako sa kusina ngunit wala sila doon. Kanina ko lang sinabi sa kanya na huwag gala nang gala eh.
Dumiretso ako sa kwarto niya at nadatnan ko nga siya doon na nagliligpit ng gamit niya. Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala yung babaeng kanina pa gustong makita ng mata ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero kinabahan ako.
No... she-she came back to Manila?
"Sino hinahanap mo, Ate?" halos hindi ko marinig ang boses ni Kiezha dahil sa sobrang kaba.
I was j-just joking that time... it can't be.
Bago pa gumulo ang utak ko at maiyak sa iniisip, binaling ko ang tingin sa kapatid ko na ngayon ay takang-taka sa akin.
Right. Sino ba ako para suyuin at bigyan ng panahon, di' ba? Sino ba ako para paglaanan ng oras?
"Ate? Ate, okay lang kayo? Bakit kayo naiyak?" kaagad akong bumalik sa realidad nang yugyugin ako ni Kiezha sa balikat.
Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mata ko habang iniisip siya.
Oh God, Kailey! You never learned, sobrang rupok mo pa rin pagdating sa kanya! Nakakainis ka!
Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko at pilit siyang nginitian,"Wa-wala, napuying lang ako. Balik na ako sa kwarto, ha? Pagod ang Ate mo."
ginulo ko ang buhok niya at tumango naman ito sa akin pabalik.Nang makaapak na ako sa hagdanan paakyat sa kwarto, biglang nagsalita si Kiezha na nagpatigil sa akin,"Si Ate Ganda po iniiyakan niyo kanina, no? Ate, sobrang OA! Nandun siya sa tabing-ilog."

YOU ARE READING
Take me Professor(GXG)
RomanceA first-year student from a small farm in the province receives a scholarship to a prestigious academy in Manila. Eager but overwhelmed by the big city and new environment, she meets a brilliant, young professor who is not only talented but also the...