THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.
Chapter 28
Aiah Arceta.
Sumilip ako sa window at nakita ko si Sergeant Apuli na nag lalakad galing gazebo, Nakapamulsa ang kamay. Seryoso ang aura nito at talaga naman na agaw pansin.
Napaisip naman ako bigla. Mas gwapo pa to sa boyfriend ni Sheena eh.
Pinagmamasdan ko siya saglit bago nagsalita kay Sheena, na hanggang ngayon kafacetime ko pa rin.
"Sheena, gusto mo bang makausap si Sergeant Apuli? Tatawagin ko siya kung gusto mo." offer ko habang nakatanaw sa kanya na huminto sa malapit sa pool at kinausap si Mikha.
Chance ko to para makita si Mikha.. ani ko sa isip.
Napatingin siya sakin, may bahagyang pag-aalinlangan sa mga mata nito. Pumayag ka na Sheena.. gusto ko lang din naman makita si Mikha.
"Oo nga, sige nga! Tawagin mo na, Aiah!" nakangiting sabi ni Stacey.
"Ikaw... sigurado ka bang okay lang sa kanya na abalahin natin?" tanong niya sakin.
Ngumiti ako nang bahagya at tumango. "No problem. Mukhang hindi naman siya nagmamadali. Tatawagin ko siya."
Dahan-dahang kong binuksan ang bintana at tinawag ang pangalan niya.
"Sergeant Apuli!" medyo malakas na tawag ko sa kanya.
Parehong silang napalingon sa direksyon ko. Agad silang napatingala, sakin na nakadungaw mula sa bintana sa second floor, nakangiti habang kinakawayan sila. Medyo nagulat si Sergeant Apuli, pero ngumiti rin nang makita ako.
Pogi.. pero mas pogi yung katabi. sabi ko sa isip ko. Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang gwapong mukha ni Mikha. Seryoso siyang nakatingin sakin.
"May kailangan ba, Miss Arceta?" tanong niya sakin.
Oo, kailangan ko yang katabi mo. pilyang sabi ko sa isip ko.
"Hmm.. oo sana, pwede ka ba umakyat dito sa room ko?" malambing na sabi ko pa. Medyo nag iba ang reaction ni Mikha. Tumango si Sergeant Apuli sakin.
Tumingin ako sa screen ng phone ko. "Stacey, Sheena, aakyat na si Sergeant Apuli, Sheena mag ready ka na!" nakangiting sabi ko at sumilip ulit sa labas.
Napansin ko na biglang hinawakan ni Mikha si Sergeant Apuli sa balikat. Pero bago pa man siya makagalaw, Ang seryosong expression nito at may bahagyang tensyon sa pagitan ng dalawa.
Huh? Pwede ka naman sumama Mikha.. Lambingan tayo rito sa room ko. natawa ako sa naisip ko.
"Parang may pinag-uusapan sila ni Captain Lim. Mukhang... seryoso." sabi ko pa sa kanilang dalawa.
Maya maya lang ay nag lakad na sila ulit, I think pupunta sa Quarters nila si Mikha and sure akong si Sergeant Apuli ay pupunta sakin.

BINABASA MO ANG
Cry, or Better Yet Beg | MikhAiah
FanfictionMikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. cry, or better yet beg.