THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.
Chapter 36
FF | Night Event.
Aiah Arceta.
Nakaupo ako sa harap ng dresser, pinagmamasdan ang sariling reflection sa salamin. Maraming makeup products ang nakakalat sa ibabaw ng table—lahat handang-handa para sa fashion week mamayang gabi. Isa ito sa pinakamalaking gabi ng karera ko, at sa totoo lang, kinakabahan ako.
Huminga ako nang malalim at sinimulan ang skincare routine ko. Habang nilalapat ang moisturizer sa mukha ko, biglang sumagi sa isip ko si Mikha.
Napahinto ako.
Ano kayang ginagawa ng mahal ko.. hindi ko maiwasang itanong sa isip ko, hindi na kasi siya nag pakita pa.
Nag papamiss masyado.
Kanina pa niya iniistorbo ang isip ko mula nang mangyari 'yun. Ang paghalik niya sa akin. Paulit-ulit kong naaalala ang init ng labi niya, ang paraan ng pagdampi nito na parang sinadya, pero may halong alinlangan. Napapikit ako at naalala ang itsura ng mga mata niya pagkatapos-parang may gusto siyang sabihin pero pinili niyang hindi.
Focus, Aiah, saway ko sa sarili. Pero kahit anong pilit kong ibaling ang isip sa ibang bagay, bumabalik ako doon.
Bumuntong-hininga ako at sinimulan nang ayusin ang buhok ko. May stylist naman na mag-aayos mamaya, pero gusto ko nang simulan para hindi na ako magmukhang haggard pagdating sa venue.
Habang inaayos ko ang buhok ko, biglang tumunog ang phone ko. Tumigil ako at kinuha iyon sa gilid ng dresser. May message mula kay Manager.
Message from Manager.
"Aiah, make sure to be on time later. Important sponsors will be watching."
Napangiti ako ng konti. Sanay na ako sa mga ganitong reminders, pero iba ang bigat ngayon. Alam kong hindi lang karera ko ang nasa spotlight mamaya-lahat ng gagawin ko ay may affiliated na pressure.
Pero kahit anong pilit kong mag-focus sa trabaho, naroon pa rin sa likod ng isip ko si Mikha. Parang siyang shadow na hindi maalis.
Napatitig ulit ako sa salamin. "Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?" bulong ko sa sarili. Bakit parang hindi ko magawang mag-focus nang buo?
Napapikit ako saglit at iniisip kung paano ko siya haharapin mamaya, kung sakaling magkita ulit kami. Alam kong narito rin siya sa Paris, pero wala akong idea kung pupunta ba siya sa event mamaya.
Baka naman hindi siya pumunta..
Tumayo ako at dumiretso sa closet, pinili ang robe na gagamitin bago magpalit ng gown. Sinubukan kong alisin sa isip ko ang lahat ng emosyon, pero hindi ko maiwasang mapaisip-Paano kung magkita kami mamaya? Ano ang sasabihin ko sa kanya?

BINABASA MO ANG
Cry, or Better Yet Beg | MikhAiah
FanfictionMikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. cry, or better yet beg.