抖阴社区

Simula

25 2 9
                                        

Manila 1990

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Manila 1990

MASAYA’T MAKULAY ang skwater area ng Tambunting. Buhay na buhay ang makitid na daan sa mga ingay at tawanan ng mga bata at matanda na bumubuo ng malalim na koneksyon sa isa’t isa. Laro dito, laro doon. Tsismis dito, tsismis doon. Inom dito, inom doon.

“Pio! Umuwi ka na nga sa bahay! Wala ka na ngang trabaho, umiinom ka pa imbis na magbantay ng tindahan natin!” umalingawngaw ang boses ni Bebe sa daan. Hindi ito binigyang pansin ng mga kapitbahay dahil humalo ito sa ingay ng mga tao doon. Isa pa, sanay na silang makita na sinisigawan ng asawa ang mga lalaking naglalasing kahit tirik na tirik ang araw. Sila ang mga binansagang walang magawa sa buhay bukod sa mga tsismosang nagsilakihan ulit ang tenga ng marinig ang sigaw ni Bebe. May nasagap nanaman ang mga marites.

“Mamaya! Ando’n naman sina Gigi, ‘di ba?” reklamo ni Pio bago lumagok ulit ng alak. 

“Oo nga. Pagbigyan mo na ‘tong mister mo, Bebe. Minsan lang naman. Pampawala rin ‘yan ng stress niya pagkatapos ng nangyari,” singit ni Dong, isa sa kumpare ni Pio.

“Ako nga stress na stress din, hindi naman uminom!” sagot ni Bebe. Bakit ba kapag ang mga lalaki, stressed, alak agad ang puntirya? Hindi na katakataka na lumalaki ang tiyan nila pagtanda. Nagmumukhang buntis. Alak lang naman ang laman.

“Syempre, iba-iba tayo ng paraan sa pagharap ng mga problema. Ikaw nga, imbis na uminom, binubuhos mo sa asawa mo kasisigaw. Wak wak wak.” Nagsitawanan sina Pio sa pangungutya ni Dong kay Bebe. 

Napapikit si Bebe sa inis. Sinusubukan talaga siya ng asawa niya at ng mga kapit-bahay nilang lasinggero. Imbis na tahimik siyang nagbabantay sa tindahan, nagbuburda, naglilinis ng bahay, o hindi kaya nakikipaglaro sa mga anak, nauubos ang kaniyang oras sa pagpapa-uwi at pag-aasikaso ng asawa. Kahit nga sa sarili niya ay wala na siyang oras. Kung magpapahinga naman siya, may susulpot na alalahanin mula sa kaniyang asawa o anak—kakatulad ngayon.

Pagewang-gewang na tumayo si Pio at umakbay sa misis. “Alam niyo, kahit ganyan ‘yang si Bebe, lab na lab ko ‘yan. Thank youuu. . . for loving meeee. . .” kanta niya, ngiting-ngiti pa habang nakatingin sa misis.

Inis siyang tiningnan ni Bebe at marahang itinulak. “Ang dami mong alam! Bumalik ka na lang sa bahay kapag tapos ka na magpakalasing! Kailangan ko rin ng magbabantay sa mga anak natin! Si Nano, nawawala nga ulit! Kung san-san nagsususuksok!” reklamo niya. Maraming pasikot-sikot ang makitid na kalsada ng Tambunting. Dumagdag pa sa sikip ang upuan at lamesa ng mga tambay at tsismosa.

“That’s life, my wife! Bata pa lang siya kaya hayaan mo mag-enjoy!” Tumagay si Pio sa mga kumpare niya. 

“Wala na siya sa wisyo. Kung ano-ano ang pinagsasabi,” isip ni Bebe. Bumuntong-hininga na lamang siya at inalalayan ang mister na umupo ulit. Makakapagbantay pa ba ‘yan kung ganyan ang lagay? Baka lumayo lang ang mga customer nila kapag may nadatnang lasingero sa tapat ng bilihan. Amoy na amoy pa ang alak. Masakit sa ilong. Hindi rin magandang i-expose sa mga anak nila. 

Bebe's Sari-Sari StoreWhere stories live. Discover now