抖阴社区

Unang Kabanata

10 1 3
                                    

Manila 1990

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Manila 1990

INIHANDA NI Bebe ang sinaing sa mesa. Amoy na amoy ang aroma ng kanin, kasabay ng tinapang bangus na bagong luto lang ni Pio. Paborito ito ng kanilang mga anak, lalo na si Nano. Masarap at malasa kapag sinawsaw sa toyo na may halong kalamansi.

“Mamaya na ‘yan, Melay. Kumain ka na muna rito,” sabi ni Bebe at tinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. Tatlo lang ang kasyang upuan sa kanilang bilog na mesa. Katatapos lang kumain nina Nano, Detdet, at Gigi, kaya may pwesto na sila ulit sa mesa. Mabuti na lang din ang marami ang naluto ni Pio na tinapang bangus. Kung hindi, wala nang uulamin sina Bebe. Baka isabaw nalang nila ang kanin sa toyo na may kalamansi. 

“Nakita niyo ba muna yung suklay ko?!” 

Nagkatinginan si Nano at Gigi, kinakagat ang labi para pigilan ang sariling tumawa.

“Mahahanap mo rin ‘yan mamaya. Kumain ka muna. Anong oras na, o.” Hinanda ni Bebe ang kanin at ulam ni Melay.

“Hehe. Napagalitan nanaman si ate,” bulong ni Gigi sa dalawang kapatid. 

“Tsk!” irap ni Melay sa ere.

“Mahalaga ba talaga ‘yang suklay mo? ‘Di bale. Kung hindi na natin mahanap, bibilhan na lang kita ng bago kapag may extra sa kita ng tindahan,” sabi ni Bebe. Hindi pa rin nawala ang pagsalubong ng kilay ni Melay. 

“Great idea! Hindi tumitigil ang buhay dahil lang nawala ang bagay na mahalaga sa’yo!” makahulugang sabi ni Pio. Humigpit ang hawak ni Bebe sa tinidor. Kung ano-ano kasi pinagsasabi ng asawa. 

“Hindi na kailangan. Baka may nagnenok nanaman. May nagnenenok nga ng sitsirya sa sari-sari store, yung suklay ko pa kaya?” pagtataray ni Melay. Linakasan niya ang pagtama ng kutsara’t tinidor sa plato. Gano’n katindi ang inis niya.

“Hala? Nagpaparinig? Kung saan-saan—”

“Gigi! Melay! Oras ng pagkain, ‘wag kayo magtalo!” suway ni Bebe. Kanina niya pa sinusubukang huminahon, pero paulit-ulit na sinusubok ang pasensya niya. 

Sa sulok ng sofa, nanonood sa kanilang magtalo, tinakpan ni Nano ang magkabilang tainga niya gamit ang palad. Hinamas-himas ni Detdet ang kaniyang likod. Gusto man niyang pagsabihan ang mga kapatid, hindi niya magawa. Lalala lang kapag nakisali pa siya sa gulo ng pamilya. Tutulong na lang siya sa paghahanap ng suklay kapag huminahon na si Nano. 

Salungat iyon kay Gigi. Ano naman ang pakialam niya sa suklay ng ate niya? Responsibilidad niya ‘yon. Bakit kailangan pang idamay ang pamilya sa paghahanap no’n? Nagpeace sign siya sa Ate Melay niya at ipinagpatuloy ang pagsagot ng takdang-aralin. Ramdam pa rin niya ang matalim na tingin ng ate, pero hindi niya na pinansin. Good vibes lang dapat.

“Tingnan mo Ate Gigi mo, masipag gumagawa ng sariling assignment,” birong parinig ni Detdet kay Nano na dahan-dahan nang inalis ang kamay sa tenga. 

Bebe's Sari-Sari StoreWhere stories live. Discover now