抖阴社区

KABANATA 5: PAGBABANTA

70 6 1
                                        

Lucifera's POV
            Pagkatapos ng tagpo sa hapagkainan kanina ay agad akong bumalik sa aking kwarto upang pag isipan kung paano ko lilinisin ang mga taong nakakaalam na nagising si Heaven mula sa pagkakalunod which is nagising nga sya pero ako na ang nasa katawan nya.  Ang kailangan ko lang linisin ay ang doctor na sa tingin ko ay hindi sasang ayon sa plano namin at nalaman ko rin na wala ng pamilya ang Doctor na yun kaya mukang siya ang kailangan kong ligpitin. Yung nga katulong namn kahit alam nila na nagising si Heaven ay walang magtatangka sa kanilang magsalita dahil may batas ang Pixillar Empire na pagmaynaglabas ng mga impormasyon tungkol sa kahiraan na iyong pinagsisilbihan mapuputulan ng Dila o ulo depende sa impormasyon na iyong pinakalat ngunit para lamang ang batas na ito sa mga Naninilbihan sa Palasyo gaya ng mga kawal at katulong kaya ang Doctor na nacheck sakin ang kailangan ko na lang ligpitin dahil ang doctor na yun hindi siya sa kaharian lang namin naninilbihan kundi sa lahat ng kahiraan ng Imperyo. Isa pa wala rin namang maghahanap sa katawan ng Doctor na yun dahil wala na nga siyang Pamilya o kamag anak kahit isa pero dahil mabait ako bibigyan ko siya ng pamimilian wag lang siyang magkamali mamili.

Third Person's POV
               Habang abala ang dalagang si Lucifera sa Paghahanda upang mailigpit ang mga kalat na nakatakdang humarang o sumira sa kanyang plano ay abala naman ang Pamilyang Zelinsky sa pagbibigay ng invitation sa iba't ibang kaharian upang dumalo sa kanilang gaganaping piging.

Natanggap na ng bawat kaharian ng Pixillar Empire ang imbitasyon na mula sa kaharian ng Milestone at lahat sila ay labis na nagtataka kung bakit biglaan ang pagkakaroon ng Piging ano kaya ang kanilang mahalagang sasabihin? Iyan lamang ang tumatakbo sa kanilang isipan pagkatapos matanggap ang imbitasyon.

Sa kabilang dako naman ng Milestone Kingdom kung saan sa isang mansyon ay may naninirahang matandang lalaki na nakasuot ng isang white lab gown upang sana ay magtungo na sa lugar kung saan siya ay nagtatrabaho. Sa hindi inaasahan ay bago pa siya makalabas ng kanyang tahanan ay may nauna ng nagbukas ng sedura ng kanyang pintuan at tinulak sya papasok sa kanyang living room at pinaupo sya sa isang upuan hindi naman niya makilala ang babae nung una sapagkat ito ay nakasuot ng damit na purong itim at may tabing din sa kanyang muka na itim na manipis na tela ngunit mahahalata mo na isa itong dalaga  dahil sa hugis ng kanyang katawan at kulay ng balat nito  at hapit na hapit din sa katawan nito ang itim na damit kayat makikitaan ito ng hubog sa kaniyang katawan na nagpapatunay lamang na isa itong babae.

Sino-- -bago pa man maituloy ng matanda ang kaniyang sasabihin ay tinanggal na ng babae ang kanyang tabing sa muka at malinaw na itong nakikita ng matanda kaya siya ay nagulat at nasabi niya sa kanyang isipan na "anong ginagawa ng isang prinsesa dito?" ngunit hindi niya maisatinig sapagkat siya ay labis na nakakaramdam ng takot ngunit hindi niya alam kung bakit?

Wag kang matakot tanda bibigyan naman kita ng pagkakataong mabuhay pa ng mas matagal sa mundong ito basta susunod ka sa mga gusto ko -Kalmado lang na sabi ng dalaga sa matanda na takot na takot kahit wala pa naman siyang ginagawa.

A---no ang gus---to m---o mahal na--- Prinsesa? -Nauutal na tanong ng matanda

Isa lang ang gusto kong gawin mo ang mananahimik ka ng kusa? O Patatahimikin kita ng Sapilitan nasa iyo na ang Pasya Tanda -Paliwanag ng dalaga sa matanda habang prente lamang ito na nakaupo sa upuan at nakataas pa ang paa sa isa pang upuan.

Tungkol po Saan Mahal na Prinsesa  mananahimik po ako tungkol Saan? -kalmado na tanong ng matanda sapagkat wala na siyang maramdaman na kahit anong takot dahil sa pagbibigay sa kanya ng tyansa.

Mananahimik ka Tanda tungkol sa nalalaman mong nagising ako mula sa pagkalunod naiintindihan mo ba?  Wala kang pagsasabihan ng kahit na sino dahil pagnalaman kong may sinabihan ka kahit isa lang tandaan mo hindi kita babawian agad ng buhay dahil pahihirapan kita habang nabubuhay nagkakaintindihan ba tayo? -Pananakot ng dalaga sa matanda ngunit di niya mapigilang mapatawa sa kanyang isipan kung bakit wala pa nga siyang ginagawa at nananakot pa lang siya ay tila takot na takot na ito at nanginginig pa.

Naiintindihan ko Mahal na Prinsesa wag po kayong mag alala wala po akong pagsasabihan pangako yan -Sagot ng Matanda sa dalaga. kahit nanginginig ang matanda ay sinakap niyang huwag mautal para maintindihan ng dalaga ang kaniyang napiling desisyon na manahimik ng kusa.

Kung gayon tanda ano man ang malalaman o malaman mo sa darating na araw ng linggo ay panatilihin mong tahimik ang iyong bibig kung ayaw mong tahiin ko yan o putulin na lamang ang iyong dila at lagi mo lang sasabihin kung sakaling may magtanong na kung totoo bang hindi nakaligtas si Heaven sa pagkalunod ang sasabihin mo lang ay Oo wala ng ibang paliwanag. tandaan mo yan  Paalam Tanda sa susunod ulit nating pagkikita -Paalam ng dalaga sa matanda.

Nakahinga naman ng maluwag ang matanda sa pag alis ng dalaga ngunit hindi niya pa rin maisip kung paanong biglang nagbago ang Mabait na Prinsesa ng ganoon kabilis na parang bago itong silang na anak ng masamang nilalang na naninirahan sa Kadiliman. Ngunit ganun pa man tutuparin ng matanda ang kanyang napangako sa dalaga sapagkat alam niya na banta pa lang nito ay hindi na niya gusto paano pa kaya pagginawa pa nito ang ganyang banta.



Reincarnation Of a Queen of Troublemaker In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon