抖阴社区

KABANATA 13: Round Two

23 1 0
                                        

Lucifera's POV
Sa mga lumipas pang-araw at buwan hindi na ako tinigilan ng peste sa buhay ko, alam niyo na naman kung sino ang mga Parasite na yun.

Kasalukuyan ako ngayong nasa klase syempre kasama ko ang nga Royalties na utak munggo. Bukod pa pala sa mga Parasite na kilala niyo ay meron pang isang tao na ayaw din akong tigilan sa mga lumipas na oras at araw dahil kinakain na ng inggit sa kanyang katawan. Walang iba kundi ang Prinsesang ubod ng bobo at tanga. Alam kong alam niyo kung sino. Tulad ngayon ayaw akong tigilan kahit may klase gusto ata nito ng away eh bigyan ko kaya ng gulo? Tss... Habang nag-iisip ako kung paano ko papatayin ang mga Parasite sa buhay ko ay naagaw ang atensyon ko ng aming guro dahil sa anunsyo nito.

Okay class announcement tayo ay magkakaroon ng Sport festival at kailangan na ang isang mag aaral ay may masalihan na kahit isang laro lalo na sa inyong mga Royalties dahil kayo ang magiging main dish sa ating gaganapin na Sport Festival -Mahabang lintanya ng aming guro

Akala mo samin pagkain? -walang pakundangan kong sabi sa aming guro.

Hindi naman sa ganun Prinsesa utos lang samin ng Dean na ganun ang pag anunsyo. Patawad po kung may nasabi po akong masama -sabay yuko nito ng paulit- ulit.

Sa totoo lang siya ang pinakagusto kong guro sa paaralan na ito dahil ginagawa niya ng mabuti ang kanyang trabaho hindi gaya nung isa na parang di mo malaman kung saan nagtatrabaho, sa paaralan ba? O sa bahay aliwan tsss...

Ayos lang pero pakisabi na lang sa Dean na wala akong balak sumali -Walang gana kong tugon sa huling sinabi po nito.

Mukang walang talento ang prinsesa sa sports ah -pang uuyam sakin ng Impaktang Prinsesa ng Ryssiania Kingdom.

Ayoko lang talaga sumali kasi baka hindi ka manalo sa kahit anong laro na magaganap -walang gana ko naman sagot kay Liannra

Anong sabi mo? How dare you! You Bitch! -Pagwawala ni Liannra napikon ata sa sinabi. Napaka dali namang mawala sa sarili ng babae na ito.

Ano ba naman yan Princess Liannra Utak munggo ka na nga bingi ka pa. Ano sa susunod bulag kana ? -Pang-aasar ko pa lalo para tuluyan ng magwala siya.

You bitch! -Singhal sakin nito sabay sugod at bibigyan sana ako ng suntok sa muka ko na agad ko namang napigilan ng aking isang kamay.

Ano ba naman yan Princess Liannra ambagal mo naman at ang hina. Hindi ka makakapatay ng kahit na pinaka maliit na halimaw. -Walang gana kong sabi sa kanya habang hawak ko pa rin ang kamao niya sa kamay ko.

Gusto mo ng sample kung paano makapatay ng hindi lang halimaw ang kayang patayin kundi pati ang mga Royalties ay kayang patayin? -Nakangisi kong tanong dito na tila  nagulat siya sa aking sinambit. Mabibigla talaga siya dahil sa lugar na ito bawal magsabi ng ganun sa mga Royalties dahil tila isa itong pagbabanta at  mapapatawan ang sino mang lalabag dito pero hindi ako natatakot dahil kahit pagsama-samahin nila ang kanilang mga lakas ay wala silang laban saakin. Bakit? Dahil sinabi ko tss...

You bitch! Ipapahili kita sa mga kawal, hindi mo ba alam na bawal ang mga sinabi mo maaari kang maparusahan.   -Nalangising sambit nito na tila parang tuwang-tuwa na mapaparusahan ako

Go ahead Liannra. Sa tingin mo may pakialam ako? -walang emosyon kong sagot pabalik sa Prinsesa.

Tingnan natin yang angas mo pagnaparusahan ka na -Nakangisi pa ring sambit nito

Hayssttt daming commercial! Tinatanong lang naman kita kung gusto mo ng Sample ang dami mo ng sinabi. Nakakawalang gana ka. -walang gana kong sambit at sabay bitaw sa kamay niya nawalan na ako ng ganang labanan siya dahil puro siya putak.

Pagkatapos kong bitawan ang kamay ni Liannra ay agad na akong tumalikod at lalabas na sana ng silid aralan ay may bigla akong naramdaman nanamang susuntok sakin mula sa liko kaya agad ko nanaman itong sinalag ng aking kamay at hinawakan ang isa pa sanang kamay nito na susuntok nanaman. Wala pasabi at tanong-tanong na sinuntok ko ito sa muka at agad itong tumilapon at nawalan ng malay. Lalapit pa sana ako para dagdagan pa ang suntok  sa kanya kahit alam kong wala na siyang malay ay may mga umawat na sakin at hawak nito ang aking magkabilang siko.

Tama na Prinsesa Lucifera lalo ka lamang magkakasala at mapaparusahan kapag itinuloy mo pa ang balak mong gawin -pahayag at pag-awat sakin ng lalaking may hawak sa Kanan kong siko.

Tumigil ka Princess Lucifera kapatid ko siya at wala kang karapatan na saktan siya! -nanggagalaiting  awat nama sakin ng lalaking  may hawak sa kaliwa kong siko.

Wow! Ang galing niyo naman! Nung ako ang susuntukin hindi niyo inawat o pinigilan man lang tapos ngayong bumawi ako? Parang naging kasalanan ko pa ang galing niyo! -mahaba at walang emosyon kong lintanya sa mga lalaking  pumepeste sa sakin ilang araw na at walang sabi-sabing iwinaksi ko ang kanilang mga maduming kamay na nakahawak sakin.

Sa susunod na hawakan niyo ulit ako sinisigurado kong wala na kayong kamay na magagamit ulit para hawakan ako Itatak niyo yan sa mga ulo niyong walang laman -dugtong ko pa sa sinabi ko.

Sorry Princess Zefire hindi namin sinasadya na hawakan ka at hindi din namin sinasadya na maiparamdam na ikaw lang ang aming nais pigilan ngunit nag- aalala lamang ak--- kami na madagdagan pa ang iyong magiging parusa lalo na sa sinambit mo na pagbabanta sa aming mga Royalties na gaya mo rin. -Mahabang paliwanag ni Kendrelle at wala namang imik ang pesteng si Liannedro dahil mukang nag-aalala ito sa Kapatid niyang walang malay dahil matapos kong iwaksi ang mga kamay nilang nakahawak sakin ay agad naman nitong nilapitan ang  kapatid nito na hanggang ngayon tulog sa isang suntok ko.

Shut the fuck up Kendrelle! I don't need your explanation. Kampihan niyo kung sino ang gusto niyong kampihan I don't have fucking care -walang emosyon kong pahayag at sagot sa mga paliwanag nito at tuluyan ng umalis sa silid-aralan, mabuti pang kumain na lang may papala pa ako malalamanan pa nito ang nagwawala kong anaconda sa tyan at mabibigyan pa ako ng lakas na nasayang sa spoiled brat na Prinsesa ng mundong ito.














Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

? Huling update: 3 days ago ?

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnation Of a Queen of Troublemaker In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon