"Asan na ang ate mo, Zy?"
"Papunta na daw siya, ma."
Umupo na ako sa pwesto ko habang nagsasandok si papa ng kanin. Linggo kasi ngayon kaya nandito si papa, si mama naman hindi pumasok. Pahinga daw siya.
"Ang tagal ng kapatid mo, Zy. Akala ko ba bababa na siya?"
Bagot na tanong sa akin ni papa. Hindi pa kami nagsisimulang kumain kasi wala pa si ate. Dapat kumpleto.
"Tawagin mo nga uli, Zy. Baka tulog nanaman iyon," napailing ako. Goddamn sleepy head!
"Hoy ate! Lumabas ka na! Gutom nako!!"
Kalampag ko sa loob ng kwarto pero walang sumagot. Ano ba naman 'yan!
Nang hindi makatiis ay binuksan ko na ang pinto pero tahimik na loob ang sumalubong sa akin. Nilibot ko pa ang paningin. Wala si ate.
"Ate? Kakain na. H'wag ka ngang magtago, gutom na ko e!"
Sigaw na tawag ko pa sa kaniya pero talagang wala.
Bigla akong kinabahan. Putangina, asaan si ate?
Inilibot ko pa ang paningin ko sa buong kwarto. Hinanap ko rin siya pero wala. The fvck?
Dali–dali akong bumalik sa kusinan at sinabi kila mama.
"Ma! Pa, wala si ate sa kwarto niya! Nakita niyo po ba siya?!"
"Huh?!"
"Ang sinasabi ko po, nakita niyo po bang dumaan man lang si ate rito?! Wala siya sa kwarto!"
Histerikal na saad ko kila mama. I know my ate, hindi siya lumalabas ng walang pasabi. At kung oo man, hanggang dito lang!
Lumabas ako ng bahay para hanapin siya. Nagtanong-tanong narin ako sa mga nakatambay at wala naman daw na ate ko ang dumaan.
Hindi ko maintindihan. Hindi naman ako ganito kung magalala kung umalis si ate dahil kadalasang… kadalasang wala akong pake sa kaniya. Pero iba ngayon. Hindi lang kaba at pagaalala ang nararamdaman ko. Takot…
Para saan ako natatakot?
"Nahanap mo na ba siya, Zy?"
Tanong sa akin ni mama mula sa kusina. Halatang tapos na silang kumain. Napailing ako. Minsan wala talagang pakealam itong mga magulang namin e.
"Hayaan niyo nalang muna, uuwi din iyon."
Sabi ni papa habang nakatutok sa T.V. Napatango ako, sana nga.
Sana nga iyon lang.
Ang akala naming saglit ay umabot ng ilang araw. Hating gabi na pero wala parin siya. Gising parin sila mama at panay ang tawag sa selpon ni ate pero cannot be reach ang palaging sagot sa kabilang linya.
Muli akong pumasok sa bahay ni ate. Umupo ako sa kama niya at tumulala sa kung saan.
Napukaw ng pansin ko ang bagay na lumiliwanag sa loob ng closet ni ate. Dahan-dahan kong tinungo iyon at binuksan. Wala akong ibang nakita kundi ang leather notebook ni ate.
I know this book. This is where she usually write her story.
I was shock to find out that the book was glowing itself. Agad kong kinuha ito at binuklat. Naguluhan ako ng wala akong makita ni sulat ni ate.
Inilipat ko pa sa ibang pahina pero kagaya ng bumungad sa akin ay wala.
"The freak. Where's all ate's story?"
I am confuse as fvck. How is that possible?
Kanina lang ay lumiliwanag ito, ngayon naman ay wala na ang sinulat ni ate. What kind of supernatural thing is happening here.
Nagisip pa ako ng ilang sandali bago napagdisisyonang isara ang libro.
Akma kong isasara ito ng bigla uli itong umilaw, kasabay ng paglitaw ng mga letra at bumubuo ng pangungusap.
Sa sobrmag gulat ko ay pwersahan kong naisara ang libro at tinago sa pinaka kailaliman ng closet ni ate. Dali-dali akong lumabas at pumunta sa sala.
Fvck, I'm going crazy.
BEFORE SHE TRANSMIGRATED INSIDE HER NOVEL
After that night, we didn't see ate.
Sigh.
Now I was thinking. Is the book connected to ate's disappearance?
There's one way to found out.
I hurriedly go inside ate's room and search for the leather notebook. As I find it, it's still the same. Glowing.
I open the book and letters came up, forming and creating a word, a sentence until it became a whole narrative story.
"N–no way," I couldn't believe my eyes. Shock visible my eyes.
"Ate is not missing, she never been because she is here… she's inside her novel, she transmigrated to one of her novel…"
"She transmigrated inside Serafine and Vile's world…"

YOU ARE READING
I'M INSIDE MY NOVEL?! (Transmigration Series 1)
FantasyWhat will you do if you accidentally transmigrated inside your written novel? As soon as she knows about her being transmigrate in her novel, she did nothing but to watch because she was given a chance to watch one of her stories, 'Dedective Student...
Special Chapter : Zy || Yeng's Disappearance in the Real World
Start from the beginning