抖阴社区

CHAPTER 03

1.8K 11 1
                                    

Jay-jay's POV

Pumunta ako kay Kiefer at hianarap siya. Wala siyang reaksyon o ano at parang masaya pa siya sa nagyayari " Ikaw... " sabay duro sa kaniya at mas lalo akong umiyak pero pinunasan ko agad " ..minahal kita at pinakisamahan, inalagaan kita at dinamayan tapos lahat lang pala ng ginawa mo sakin ay para lang ano..para saktan ako at paglaruan tapos ano si Ella parin pala! " hindi ko na napigilan ang mga luha ko at sunod sunod na silang bumagsak, sa galit ko nasampal ko siya ng magkakasunod at tsaka tumigil.

" Simula ngayon kakalimutan na kita, hindi na ako babalik dito at lahat kayo " sabay tingin sa likod ko at sa mga Ulupong " ..wala na kayong lahat sakin. "

Lahat sila natigilan sa sinabi ko at ang iba ay gulat na gulat. Ayaw ko sanang gawin to pero sobrang sakit, parang kung tatahal pa ako dito baka mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Tama ng isang beses ay minahal ko siya kahit di niya ako minahal, tama nang naging magkakaibigan kami at ang mga pinagsamahan namin.

Matapos nun ay tinalikuran ko sila at naglakad paalis, rinig ko pa ang mga tawag at
sigaw nila sakin pero di ko sila pinansin. Tuloy tuloy lang lang sa paglalakad at pagalabas ko wala na gaanong estudyante dahil sa simula na rin ng klase. naglakad pa ako palabas ng gate at nang marating ko ang labas tumingin ako sa likod ko at kasunod kong tumakbo ang mga Ulupong pero hindi nila kocasama si Kiefer, malamang wala namang paki sakin yun eh.

Kaagad akong pumara ng taxi at sakto naman at may dumaan at tumigil sa harap ko. Malapit na sila sakin kaya nagmadali akong pumasok sa taxi at sinars ang pinto. Umandar na ang kotse at kita ko sa bintana ang mukha ng mga Ulupong na pagod na pagod at naghahabol ng hininga.

Inalis ko ang tingin ko sa bintana at bumalik sa pagkakaupo.

" Ma'am san po tayo? " tanong sakinnung driver

Ang Mutya Ng Section EWhere stories live. Discover now