抖阴社区

CHAPTER 07

1.2K 7 0
                                    

Yuri's POV

Maaga akong pumasok para abangan siya kung papasok pero hindi siya dumating hanggang sa mag ring na ang bell. Tinext ko rin siya pero hindi naman siya nagrereply. Tinignan ko si Kiefer at wala siyang reaksyon. Gusto kong basagin ang pagmumukha niya dahil dun sa ginawa niya kay Jay hindi niya na kami pinapansin at baka totohanin niya na umalis siya. Pero hindi naniniwala dun dahil kilala ko siya, siguro sa isang araw pumasok na siya. Rinig ko na rin ang mga bulungan nig mga kaklase namin tungkol kay Jay, lalo na si Ci-N na hindi namin makausap at nakatingin lang sa upuan ni Jay, ang jba naman ay tahimik at walang gana.

" Sana okay lang si Jay "

" Kaya nga sana hindi siya umalis "

" Kapag punasok talaga siya gagawa ako ng paraan oara mapatawad niya ako "

" Sana mapatawad niya tayo at hayaang magpaliwanag "

Ramdam ko din ag nararamdaman nila. Walang buhay ang classroom namin at lahat tahimik.

' Sana Jay bumalik ka , miss kana namin ipapaliwanag ko sayo lahat at lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako '

' I miss you Jay, and i...i love you '

Ang Mutya Ng Section EWhere stories live. Discover now