Ang bigat ng gabi. Parang hindi ako makahinga, parang may nakadagan sa dibdib ko habang nakatayo sa harapan niya. Dati, ang mga pader ng apartment na ‘to, saksi sa mga tawanan namin, sa mga pangarap na binuo namin nang magkasama. Pero ngayon? Ngayon, ang tunog lang ng boses kong puno ng galit at sakit ang pumupuno sa bawat sulok nito.
"You killed our unborn child!" sigaw ko, halos mapatid ang boses ko sa tindi ng emosyon.
Biglang natahimik ang lahat.
Nakita kong nanigas si Adrian, parang hindi makagalaw, parang ‘yung sinabi ko ay isang suntok na hindi niya inasahan. Bahagyang bumukas ang labi niya, pero wala siyang sinabi.
Nakatingin lang siya sa akin, parang hindi niya ako kilala.
At siguro nga, hindi na niya ako kilala.
Dahil hindi na ako ‘yung babaeng minahal niya noon.
"You think I wanted this?" His voice was rough, almost shaking. “Sa tingin mo ba, gusto ko ‘to? Na hindi ako nagsisisi araw-araw—”
"Hindi sapat ang pagsisisi, Adrian!" I laughed bitterly, kahit walang halong saya. “Hindi na mababalik ang lahat—”
Naputol ang boses ko.
Hindi.
Hindi ko pwedeng sabihin.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo.
Na buhay ang anak namin. Na kahit anong sakit, kahit anong pinagdaanan ko, hindi ko nawala ang bata.
Pero kung sasabihin ko, mananatili siya.
At hindi ko pwedeng hayaang manatili siya.
Not when I knew how this would end.
Lumapit siya, pain flickering in his eyes for just a second bago ulit pinalitan ng galit. “Sabihin mo,” he demanded, his voice unsteady. “Ano’ng gusto mong sabihin?”
I looked away, swallowing the lump in my throat.
Hindi ko na kayang lumaban.
At siya?
Kahit kailan, hindi siya marunong lumaban para sa amin.
I turned my back on him, letting the silence stretch between us.
Hanggang sa narinig ko ang marahang, halos hindi ko maramdamang hakbang niya.
Papalayong hakbang.
Hanggang sa tuluyan na lang siyang nawala.
At doon, bumigay ako.
I collapsed on the floor, clutching my stomach, tears finally escaping my eyes.
“Shhh,” I whispered, kahit nanginginig ang labi ko. “It’s okay, baby… Mama’s still here.”

YOU ARE READING
The Last Promise (The Lasting Vows Series #1)
RomanceAkala ni Celeste, tuluyan na niyang naiwan ang nakaraan. Ilang taon na rin siyang nabubuhay nang wala si Adrian. The man who broke her heart and walked away, believing their unborn child was gone. Pero hindi niya inasahan na isang araw, babalik ito...