抖阴社区

                                    

Sa isang matahimik na hapon, sa loob ng isang lumang library, isang binata ang tahimik na nakaupo sa isang sulok, hawak ang isang makapal na libro. Kyran Sinclair-ang lalaking laging may bitbit na camera, laging nag-iisa, at may presensyang parang navy blue at gray-kalmado, malalim, at hindi madaling lapitan.

Sa labas ng paaralan, matapos ang klase, dumiretso siya sa isang maliit na tindahan. Walang sinasabi, walang kausap, binili lang ang kailangan at agad na umalis. Lagi siyang ganoon. Walang ingay, pero may sariling mundo.

Lumipas ang panahon at nagtapos siya ng junior high school. Dumaan ang taon, at sa isang umagang malamig, bumaba siya mula sa kanyang sasakyan. Naka-long sleeve na black, may dalang bag, at dumaan saglit sa isang bakery. Kinuha ang paboritong chocolate croissant at black coffee-isang simpleng ritwal bago simulan ang araw.

Sa parehong araw, naglibot siya sa park, tahimik na kinukunan ng litrato ang mga dahon, ang langit, ang mga taong dumaraan. Parang palaging may hinahanap, pero walang sinasabing kung ano. Ang mga ulap sa langit ay hindi maliwanag, hindi rin madilim-isang gitna na tila sumasalamin sa kanya.

At sa hatinggabi, matapos ang mahabang oras ng paggawa ng plates, tumungo siya sa isang malayong lawa. Hindi alam kung bakit, pero parang tinatawag siya nito. Umupo siya sa isang bench sa kaliwa, nakaharap sa tubig. Sa kanan niya, may ilang ibong tahimik na nagpapahinga. Hindi niya alam kung anong meron sa gabing iyon-maulap ang langit, walang bituin, pero ramdam niya ang katahimikan.

Hanggang sa isang araw, may nagbago.

Napalingon siya. Isang mata ang nakatingin din sa kanya. Hindi siya sigurado kung matagal na siyang inoobserbahan o ngayon lang talaga sila nagtagpo ng paningin. Pero sa sandaling iyon, may kung anong hindi maipaliwanag.

At ito ang kwentong matagal nang umiikot sa isip niya. Isang kwentong hindi niya alam kung totoo o isang alaala lang na muling binubuo ng utak niya.

Pero sa dulo ng lahat-may isang tinig ang bumasag sa katahimikan.

"At yun ang simula," anya ng babae, nakangiti habang nakatingin sa kanya.

Ang kwento pala ay hindi sakanya. Ang kwento ay kanya. Kay Auella Yson-ang babaeng nagkukuwento ng lahat.

RED STRING (COMPLETED)Where stories live. Discover now