抖阴社区

III

6 5 0
                                    

Sa isang gabi kung kailan ang langit ay hindi maliwanag pero hindi rin madilim, muling naupo si Kyran sa bench sa tabi ng lawa. Ang tubig ay kalmado, at ang malamig na hangin ay nagdadala ng katahimikan. Sa kanyang kanan, naroon ulit ang mga ibon, tahimik na nagpapahinga.

Sa hindi kalayuan, may isang pigura ang dahan-dahang lumapit.

Si Auella.

Wala silang sinabi. Walang salitang bumasag sa pagitan nila.

Umupo siya sa tabi ni Kyran, pareho silang nakaharap sa tubig, pareho nilang pinagmamasdan ang mga alon na bahagyang gumagalaw sa ilalim ng maulap na langit.

Sa mga nakalipas na taon, hindi nila kailangang ipilit ang sarili sa isa't isa. Hindi sila yung tipo ng magkasama palagi. Hindi rin sila yung nagpipilit ng kung anong hindi naman kailangang madaliin. Pero sa sandaling ito, pareho nilang alam-kahit ilang beses pa silang maghiwalay ng landas, babalik at babalik sila rito.

Napangiti si Auella, isang tipid na ngiti, bago binalik ang tingin sa lawa.

Nagtagpo ang mga kamay nila sa gitna. Walang hawak, walang pisil-isang bahagyang pagdikit lang ng daliri, isang kumpirmasyon na kahit hindi nila kailangang magsalita, kahit hindi nila kailangang ipakita, ang red string na nag-uugnay sa kanila ay nandoon pa rin.

At kahit hindi nila alam kung anong naghihintay sa hinaharap, sigurado sila sa isang bagay:

Kahit saan man sila dalhin ng mundo, kahit anong mangyari, hindi kailanman mawawala ang koneksyon nila.

RED STRING (COMPLETED)Where stories live. Discover now