抖阴社区

                                    

"Um. Yep. I just have to edit what I've collected from the interview. Tapos, I'm done, pwede na ipasa."

Natawa siya ng kaunti at napailing.

"No. I mean, wala ka nang gagawin today?"

I chuckled. "Bakit, yayayain mo ba 'ko mag date?"

Saglit na nanaig ang katahimikan sa ere.

The silence was a little deafening... but just when I almost thought he wouldn't answer...

Sinagot niya ang pabirong tanong ko ng di inaasahan.

"Why not?"

Napatingala ako sa kanya. Kitang kita ko ang aliw sa gwapo niyang mukha niya na tila ba nang-aasar.

Si Kai ba talaga 'to? Si Kai na pumapatol sa jokes ko pero never talaga gumagawa ng actions? May himala ba?

Sinasapian na ata siya ng malanding espiritu!

"Hoy, wag ako. Pag pinatulan ko 'yang paanyaya mo, baka kiligin ka ng husto." pabirong sagot ko sa sinabi niya kanina.

Pinasok niya ang isang kamay sa bulsa at ngumisi lamang sakin.

"I mean, we haven't eaten any meals. I don't think coffee and pastries would be able to fill our stomachs." he said, pertaining to the fact na nasa coffee shop kami buong araw at puro ganoon ang kinakain.

Naningkit ang aking mata, at sinuri ang kanyang ekspresyon.

"So... niyayaya mo akong kumain tayo somewhere else?"

He slowly nodded.

"And... date 'to?"

Again, he slowly nodded.

...

At this point, I think I would've fainted.

What the hell.

"Gagi ka. Stop joking, please." I chuckled nervously.

"It's not a joke. Besides, bakit kita bibiruin ng ganon? I'm not that much of a jerk."

Sana jerk ka nalang para 'di ako kinikilig ng gan'to. Yawa ka!

"Fine. Sige na nga. Maniniwala na 'ko. Baka 'di pa matuloy e."  I responded, whispering the last part.

He laughed, with his deep voice. "Is pasta fine? There's a nearby restaurant I know that offers pasta until late at night."

LATE AT NIGHT?!

"Huh? Late at night? Gagabihin ba tayo?" napalingon ako sa kanya na tila naguguluhan.

"Well, kung gusto mo."

He shrugged as if he did not just say something that made my heart instantly dropped.

"Huy, bata pa 'ko. We can't do that." I joked.

Kumunot ang noo niya at unti-unting napatingin sakin.

"What are you thinking? Can't we just talk until late at night? You have such a dirty mind." he smirked.

My gosh. Napaghahalataan ako dito ah.

"Eto naman, joke lang kasi. Sabihin mo nalang na gusto mo 'ko masolo."

He laughed again, obviously amused.

"Finally, lumalabas na totoong ugali mo. I'm more used to this side of you."

***

While we're heading to his car, nagulat ako nang kunin niya ang laptop bag ko sa'kin, at isinabit sa kanyang balikat.

what if we're meant to be?Where stories live. Discover now