抖阴社区

70

5 0 0
                                    

ANO ba dapat pang suyo pag nagtatampo ang lalaki?

Kanina pa ako nakatunganga rito, at naghihintay ng himala dahil MIA nanaman ang professor naming bida-bida.

Anyway. Nakakainis. 'Di ko pa rin talaga alam pa'no siya susuyuin...

Ano kaya prefer niya? Flowers din ba at chocolates? Pagkain? Or... me?

"What if... hmm." kausap ko pa rin ang sarili ko na parang baliw habang nag iisip ng mga paraan.

"Yung sundo mo, Santiago. Andito na!"

Napatigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang apelyido ko na tinatawag ng hinayupak na kaklase ko.

Anong sundo? Nang-aasar ba sila? Nagtatampo nga sa'kin ang baby ko e.

"Gaga ka? Wala akong sundo!" napairap pa ako habang sinasabi iyon.

"Gaga ka din. Bilisan mo na, naghihintay si pogi oh." tila kinikilig niya pang ani. Mukha siyang tanga.

Padabog akong tumayo para tignan ang tinutukoy niya.

Ano ba ang pinuputok ng buchi nito? E kakasabi lang na wala nga akong— sundo...

Hala?

Bakit andito si baby ko? Kala ko ba cold war kami? Omagahd.

"Kai? Bakit... ka andito?" naglakad ako papalapit sa kanya ng bahagya. Nag aalinlangan pa kung lalapit ng sobra.

Umangat ang tingin niya at napunta ang tingin sa likod ko na parang may minamasid.

"I don't break promises, Thalira. Pag sinabi kong susunduin kita, susunduin kita." aniya habang tumitingin pa rin sa bandang likuran ko.

Hala siya. Ehe. Kalma, ako lang talaga 'to.

Pero ano bang ginagawa niya? Bakit tingin siya ng tingin sa likod?

Sinalubong ko ng tingin ang mata niyang lumilibot sa likuran ko.

"Ano ba 'yang tinitignan mo?" para siyang natauhan nang tanungin ko iyon.

"Nothing... just checking if that Adrian is here." sagot niya, pabulong pa na sinasabi ang dulo na kala niya ata 'di ko maririnig.

Si Adrian ata pinuntahan nito at hindi ako e. Baka siya talaga yung na-miss niya.

Hay. Samantalang ako, miss na miss ko na siya. Kahapon lang nangyari ang tila pagtatampo niya na hindi niya ako nasundo, pero bakit feeling ko isang linggo ko na siya 'di nakikita?

'Di na talaga maganda epekto sa'kin netong lalaking 'to.

"Sus. So, ano? Nagtatampo ka pa ba?" I asked, crossing my arms as if interrogating him.

Tumaas ang kilay niya sa akin na parang na-offend.

Ang cute niya, mukha siyang bata na nahuli ng nanay na nagsisinungaling.

"Tampo? I was not sulking. I was just... I just wanted to send you home myself." umismid siya.

Unti-unti akong napangisi sa inamin niya.

"Ah, so nagseselos ka nga? Bakit ba kasi ayaw mo pa aminin na nagse—" natutop ko ang bibig nang humakbang siya papalapit at yumuko para ilapit niya ang mukha sa'kin.

what if we're meant to be?Where stories live. Discover now