This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All characters and events in this story are entirely fictional.THIS IS A TRANSGENDER X STRAIGHT MAN STORY AND THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS, NARROW-MINDED PEOPLE, HOMOPHOBIC, TRANSPHOBIC AND BIGOTS. THIS CONTENT HAS EXPLICIT SEXUAL SITUATIONS AND STRONG LANGUAGE.
————————————————————————
I heaved a deep sigh and answered the upcoming phone call. Tiningnan ko ang pangalan na naka-rehistiro sa screen ng aking phone. Kanina pa tawag nang tawag ang kaibigan ko. Hinilot ko ang aking sentido. At alam ko na naman ang sasabihin niya...
"What is it, Iana?" Tanong ko habang inaayos ang upo ko sa swivel chair.
"I know that you are not busy! Ilang oras mo bang tinititigan ang tawag ko, huh? I know you, bitch!" Reklamo niya sa kabilang linya, ang boses niya ay punong-puno ng pangungulit.
Napairap ako at bahagyang napangiti. Kahit kailan talaga si Iana, walang pagbabago. Sumandal ako sa upuan at iniikot iyon paharap sa salamin ng opisina. Mula rito, kitang-kita ko ang matatayog na gusali ng lungsod. Kahit ilang beses ko nang nakikita ang tanawing ito, hindi ko pa rin maiwasang mamangha.
"Iana, pagod ako," Sagot ko sa kaniya, pinipigilan ang pagod na lumabas sa tinig ko.
"Pagod?! Gurl, CEO ka nga, pero hindi ka robot! Alam mo bang hindi ka na sumama sa amin mula kahapon? Work, work, work ka na lang palagi! Diyos ko, magsasawa ka rin kakatingin sa skyline na 'yan!"
Napabuntong-hininga ako at pinisil ang tulay ng ilong ko. Totoo naman ang sinasabi niya. Ilang linggo na rin akong subsob sa trabaho, halos walang pahinga. Pero hindi ko rin maiwasang gawin ito, hindi lang para sa sarili ko kundi para sa kompanyang iniwan sa akin ng pamilya ko.
"Iana..." Sinubukan kong ipaliwanag, pero agad niya akong pinutol.
"Pumunta tayo sa 44th birthday celebration ni—"
I pursed my lips before cutting her off.
"I'll try—"
"You'll try? Iniiwasan mo ba siya? O hindi ka pa din nakaka-move on sa kaniya?" Natigilan ako sa kritikal niyang tanong. Sa tono niya, halatang nang-aasar at kuryoso.
Tumikhim ako at bahagyang napa-ahon. Bakit ba ang kulit ng babaeng 'to?
"What are you trying to say? Matatanda na tayo, Iana. Why would I be jealous?" Pagak akong natawa. "It was my choice to let go of him years ago. Kaya tingnan mo? It was—"
"Why do you sound so bitter? Kung hindi ka talaga nagsisisi sa ginawa mo noon then why the hell are you not coming to his events kahit na invited ka naman? Ano? Matanda nalang ang inaanak mo—"
Napasinghap ako nang mahina at bahagyang napaurong sa upuan.
"I am staying in touch," Mahina kong sagot, pilit na ipinapakitang hindi ako natitinag. "I would shop a gift for him, if that makes your assumption—"
Natawa si Iana sa kabilang linya, halatang hindi kumbinsido. "Oh? Sige nga? Ilang taon na ang inaanak mo?"
Natahimik ako.
"Ano, Gwen? Hindi mo masagot?" Ramdam ko ang mapanuksong ngiti niya kahit hindi ko siya nakikita.
I closed my eyes. Damn it.
"Don't tell me na laruang pambata pa rin ang mga pinapadala mo sa—"
"Iana..." I warned, pero hindi siya natinag.

BINABASA MO ANG
Not Just Another Chapter (Luscious Trans Series #2)
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All characters and events in thi...