抖阴社区

Kabanata 2

528 44 35
                                    




Si Lia na ang naghatid sa akin sa labas. Ian wanted to come along and see me out, but he was too busy entertaining his guests.

"Pasensya ka na talaga kay Basti, ha?" Malambing na sabi ni Lia habang naglalakad kami palabas. "Mabait naman 'yon, pero minsan may pagka-prangka at matigas ang ulo, nakuha sa daddy niya..."

Napatawa ako nang mahina. "Napansin ko nga."

She sighed and gave me a knowing look. "I hope this won't be the last time na bibisita ka."

I smiled at her, appreciating her warmth. "Of course not. Hindi ko na hahayaan pang lumipas ang maraming taon nang hindi tayo nagkikita."

She hugged me tight. "I missed you, Gwen."

"I missed you too, Lia." I hugged her back.

Pinagmasdan kong mabuti ang itsura niya nang matapos ang aming yakapan. Motherhood suited her well... mas gumanda siya, at may kakaibang glow siyang hindi ko maipaliwanag. Kita sa mukha niya ang saya at kapanatagan, isang bagay na minsan ay inasam ko rin para sa sarili ko.

Napansin yata ni Lia ang pagtitig ko kaya natawa siya. "Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling ako at ngumiti. "Wala. Ang ganda mo lang talaga, Lia. Mas lalo kang bumata."

She chuckled and playfully flipped her hair. "Naku, ikaw talaga. Ikaw nga itong parang hindi tumatanda, eh."

Napailing na lang ako at sabay kaming natawa. Sa kabila ng lahat ng nangyari noon, masaya akong nanatili kaming magkaibigan.

Martyr na kung martyr, pero hindi ko naman pinagsisisihan. Alam kong ginawa ko lang ang tama noon. Pinili kong lumayo para sa sarili kong kapayapaan, para hindi ako maging hadlang sa kaligayahan nila.

At ngayon, nakikita ko silang buo at masaya, si Lia, si Ian, ang mga anak nila.

I am already in my forties, I don't have to dwell on the past anymore. What's done is done. Life moved on, and so did I. Now, all that matters is the present and the people who are still in my life.

Nang makauwi ako sa bahay, agad akong nagpahinga.

The next day, since it was my day off, I decided to spend my time at the mall. Ang tagal na rin noong huling beses na nagpa-pamper ako sa sarili.

Pagdating ko sa mall, unang pinuntahan ko ang isang spa para magpa-massage. Gusto kong i-relax ang katawan ko matapos ang lahat ng stress nitong mga nakaraang araw. Nang matapos, dumiretso ako sa isang salon para magpaayos ng buhok at magpa-manicure.

Habang nakaupo at hinihintay matapos ang nails ko, naisip ko kung paano ang simpleng araw na ito ay parang isang reset button para sa akin. Minsan, kailangan mo talagang bigyan ng oras ang sarili mo, hindi lang para mag-relax, kundi para alalahanin na may sarili kang buhay na hindi dapat nakakalimutan sa gitna ng lahat ng nangyayari.

Tumungo na rin ako sa isang branded shop ng mga lingerie. Matagal-tagal na rin mula noong huli akong bumili ng bagong set, kaya naisip kong oras na para i-refresh ang collection ko.

Habang nagbabrowse, may ilang designs na agad na nakakuha ng atensyon ko, elegant lace, satin, at ilang classic yet sophisticated pieces.

Habang sinusuri ko ang isang deep red lace set, may narinig akong pamilyar na boses sa hindi kalayuan. Napakunot ang noo ko at nilingon ang pinagmulan ng tunog. Hindi ako maaaring magkamali, iyon si Sebastian.

At hindi siya nag-iisa...

Sumilay ang ngiti sa labi ko at agad kong tinahak ang direksyon kung nasaan sila. Habang papalapit ako, unti-unting lumilinaw ang boses ni Sebastian, mababa, may halong inis pero kontrolado.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

? Huling update: Apr 12 ?

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not Just Another Chapter (Luscious Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon