"23 years old na ngayon ang inaanak mo, Gwen!"
Napakurap ako, para bang biglang tumigil ang mundo ko.
Dalawampu't tatlong taon na?
I felt something heavy settle in my chest. Hindi ko namalayan kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Noon, hawak-hawak ko pa ang maliliit niyang kamay, tinutulungan siyang maglakad, binibilhan ng candy tuwing may pasalubong ako. Pero ngayon... binata na siya. At hindi ko man lang namalayan.
Hindi ko na rin napansin kung kailan ako unti-unting lumayo. O kung kailan ako nagsimulang umiwas.
"Gwen," Muling tawag ni Iana, pero hindi ako sumagot.
Alam kong may punto siya. Pero handa ba akong harapin ang totoo? Na marahil, hindi lang simpleng pagkalimot ang dahilan ng pag-iwas ko, kundi isang bagay na mas malalim?
"Are you sure na magugustohan 'to ni..." I trailed off while staring at the latest Apple watch. Napalunok ako at bumuntong-hininga. Ano na nga ba ang pangalan ng inaanak ko?
Napakurap ako at agad na dinukot ang phone ko mula sa bag, pilit na inaalala kung may naka-save ba akong picture o kahit anong detalye tungkol sa kaniya.
Damn it!
Hindi ko alam kung mas nakakahiya ba na hindi ko na maalala ang pangalan ng inaanak ko o ang katotohanang ngayon ko lang napagtanto kung gaano na ako katagal lumayo...
"Gwen, seryoso?" Bulong ni Iana sa tabi ko, halatang pinipigilan ang tawa. "You forgot his name?"
"Of course not!" Mariin kong sabi, pero nang tingnan ko siyang nakataas ang kilay, napabuntong-hininga na lang ako. "Fine. Hindi ko maalala."
Tumawa siya. "Oh my God. Baka naman mamaya, ibang bata ang maregaluhan mo, ha?"
Napairap ako at muling tumingin sa relo sa harapan ko. "Shut up, Iana. Just help me pick a gift."
She smirked. "Well, at least ngayon, napipilitan ka nang bumawi."
Hindi ko na siya sinagot, pero alam kong tama siya. This time, I have to make it right.
I feel guilty. It has been years since the last time I saw him... saw them... building a happy family. Masasabi ko nga bang naka-move on na ako sa puntong ito? Umiiwas ako, sa lahat ng invitations niya sa akin throughout the years. Ni-isa, wala akong pinaunlakan at dinaluhan. I was so focused on my career to the point na nalimutan kong kinuha niya ako bilang ng kaniyang anak...
Ninang...
Natawa ako sa likod ng aking isipan at ipinilig ang ulo. A bittersweet memory from years ago flashed through my mind. The moment I held his son in my arms...
Kamukhang-kamukha niya ang kaniyang ama... ang lalaking minahal ko... ang lalaking minsan ko ng pinangarap na makasama habang buhay...
Paano na kaya ngayon?
I am getting old... I am now in my early forties.
I bought a gift for him and for my God child.
Habang nasa sasakyan ako, tahimik kong pinagmasdan ang lungsod sa labas ng bintana. Ilang taon na rin ang lumipas, pero ngayon lang ulit ako babalik sa mundo nila, sa mundong kusa kong nilayuan noon.
Napangiti ako nang maalala ko ang masasayang sandali noon. Si Ian... alam kong minahal niya ako. Alam kong tinuring niya akong isang babae, walang pag-aalinlangan, walang pagkukunwari. Para bang ipinadala siya sa akin ng langit upang iparamdam sa akin kung paano maging tunay na minamahal.
Pero hindi lahat ng kwento ay may masayang wakas.
Nang malaman kong may nakatakda na siyang pakasalan—isang babaeng pinili ng kaniyang pamilya—hindi na ako nagdalawang-isip na lumayo. Hindi ako makikipaglaban sa isang laban na alam kong hindi ko maaaring ipanalo. Hindi dahil hindi ako sapat, kundi dahil alam kong hindi patas ang laban.

BINABASA MO ANG
Not Just Another Chapter (Luscious Trans Series #2)
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All characters and events in thi...
Simula
Magsimula sa umpisa