抖阴社区

                                    

Alam kong siya ay isang straight na lalaki, at higit sa lahat, alam kong kailanman ay hindi ako matatanggap ng pamilya niya. Lalo na't may malalim na sugat na iniwan ang pamilya ko sa kanila noon.

Bumuntong-hininga ako. Matagal ko nang tinanggap ang lahat. Hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko, pero hindi ko rin maikakaila na may kaunting kirot pa rin sa puso ko tuwing naiisip ko ang nakaraan.

Ngayon, sa muling pagbabalik ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

May puwang pa ba ako sa buhay nila? O isa na lamang akong alaala na matagal na nilang iniwan sa nakaraan?

I remember those days vividly, the way I stood by her side, ensuring she had everything she needed, even when it should've been painful for me. Pero sa totoo lang, hindi ako nasaktan noon. Hindi ko rin alam kung bakit. Maybe because I had already let go of Ian long before that moment. Or maybe because I knew, deep down, that my love for him had already transformed into something else, something calmer, something lighter.

Napatingin ako sa paligid habang papasok sa bahay. Maraming bisita, karamihan pamilyar na mukha. Mga dati naming kaibigan, mga kakilala, at siyempre, ang pamilya ni Ian, ang pamilyang kailanman ay hindi ako tinanggap noon.

Pero hindi na ako narito para sa kanila. Narito ako para sa inaanak ko.

Nginitian ko ang ilan sa mga dumaan at bumati sa akin. Some were surprised to see me after all these years, but I simply nodded and moved forward. Hindi ko kailangan ng mahabang usapan o awkward conversations tungkol sa nakaraan.

As I stepped inside, my heart pounded slightly. It had been years, and yet...

This place still felt like a part of me.

Agad akong nilapitan ng isang kakilalang negosyante na kasing-edad lang ni Ian habang naglalakad ako. Huminto ako at magalang na nakipag-usap sa kanya.

"You look so gorgeous, Ms. Abejo! I almost forgot that you and Ian were good friends back in college. Hindi ba inaanak mo ang kanilang firstborn?" Aniya, may matamis na ngiti habang mabagal na hinagod ng tingin ang kabuuan ko.

Good friends...

Right... our relationship was a secret years ago.

Bahagya akong natawa at iniangat ang wine glass na iniabot niya, sabay tanggap sa inabot ng waiter.

"Yup! I couldn't let this pass like the past events. Baka singilin na ako ng inaanak ko!" Biro ko, pilit na ibinaling ang atensyon sa ibang bagay.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid, hinahanap si Iana. Asan na ba ang babaeng 'yon?

Sa malayo, natanaw ko ang asawa ni Ian, nakangiti habang nakikibati sa mga bisita. Her beauty was ethereal, elegant and effortless. Napalunok ako. Pero mas bumagabag sa akin ang isa pang tanong na biglang sumagi sa isip ko.

Where is he?

Bakit hindi niya kasama?

Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman ko ang banayad na paggapang ng mga daliri ni Mr. Marasigan sa pulso ko. Napatingin ako sa kaniya, bahagyang naninigid ang mata.

"You don't age, do you?" He chuckled, then bit his lower lip. "Pabata ka nang pabata, Ms. Abejo," He whispered, his smirk lingering.

Napangiti ako, pero hindi iyon umabot sa mga mata ko. Marahan kong inilayo ang kamay ko mula sa kaniya nang hindi halata. "And yet, you haven't changed one bit, Mr. Marasigan."

Ibinalik ni Mr. Marasigan ang kamay niya sa baywang ko. Napataas ang kilay ko habang napansin ko ang malagkit niyang tingin. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, pinipigilang matawa. Hinagod niya ang baywang ko, kaya bahagyang tumaas ang sulok ng aking labi.

Not Just Another Chapter (Luscious Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon